^

Pang Movies

Wynwyn black and blue nang iahon sa dagat

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Labis-labis ang pasasalamat ni Wynwyn Marquez sa production staff ng Kambal Sirena at sa diving coach/actor nilang si Jess Lapid sa pagkaligtas niya sa tiyak na pagkalunod sa isang eksena. Kuwento ni Wyn via her Direct Message to us, wala naman daw siyang asthma although may history siya noong bata pa pero nawala naman, sa isang underwater scene, hindi na niya alam kung ano ang nangyari sa kanya at ikinuwento na lamang nang maiahon at madala siya sa Subic Clinic, nag-black and blue na raw siya at nanigas ang kanyang mga paa, legs, at kamay. Thank God na nadala agad siya sa clinic dahil 60-70 na lamang ang body oxygen niya.

Sa isang eksena na mga 10-15 feet underwater, feeling daw niya may sumasakal sa kanya kaya natakot na siya, dahil nag-lock jaw na rin siya. Nakabantay naman si Jess Lapid kaya nang makita ang kalagayan niya, binuhat na siya at dinala sa clinic. After niyang makalabas sa clinic, nag-stay pa siya sa set at pinagpahinga dahil kailangang makuhanan iyong eksena, na ipalalabas na sa Monday, April 21. Inalagaan din siya at naka-monitor sa kanya maghapon ang Executive Producer nila. What a professionalism sa part ni Wynwyn, saludo kami sa iyo.

 

Alden Good Friday lang ang pahinga

Walang bakasyon si Alden Richards ngayong Holy Week dahil magsu-shooting siya ng movie nila ni Aljur Abrenica, ang Cain at Abel under Adolf Alix, Jr. for GMA Films. O­key lang naman daw sa kanya pero sa Good Friday, sa bahay at church lang siya. Magpapasalamat siya sa mga blessings at sa tagumpay ng drama series nilang Carmela, pati na rin sa mga fans na walang sawang sumusubaybay sa serye nila ni Marian Rivera. 

 

Vic at Pauleen magpapaiyak

Ngayong Holy Wednesday, dalawa pang episodes ang mapapanood sa Hulog ng Langit, ang Lenten special ng Eat Bulaga. Tampok sa Anyo ng Pag-ibig sina Pauleen Luna, Ryan Eigenmann, Jimmy Santos, Ruby Rodriguez, Krystal Reyes, Valerie Weighnman sa direksyon ni Mike Tuviera. Sa Pangalawang Bukas tampok naman sina Vic Sotto, Jose Manalo, Anjo Yllana at Ryzza Mae Dizon, sa direksyon ni Bibeth Orteza.

 

Mike at Joey nag- Jerusalem

Since wala nang regular shows bukas, Maundy Thursday, panoorin ninyo ang Banal na Paglalakbay nina Mike Enriquez at Joey de Leon sa pilgrimage nila sa Holy Land, sa GMA-7, 7:30 p.m. Nakapunta na kami sa Holy Land twenty years ago at muli naming panonoorin ito at iri-reminisce ang mga lugar na pinuntahan namin noon.  Sa mga napapanood naming mga pilgrimage coverages, halos wala namang nabago sa mga lugar na napuntahan namin, although may mga bago nang structures kaming nakikita.

 

vuukle comment

ADOLF ALIX

ALDEN GOOD FRIDAY

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

HOLY LAND

JESS LAPID

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with