^

Pang Movies

Bistek ginastusan na raw ang pag-alis ng kanyang mag-iina

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Isang very, very reliable source na nakausap ng common law wife ni Mayor Bistek ng Quezon City ang nagsabi sa amin na naka-schedule na nga raw iyong umalis papuntang U.S. para doon na muna manirahan. Kasama niya ang kanyang dalawang anak na masamang-masama ang loob sa kanilang ama, matapos na aminin ni Kris Aquino sa national television na may relasyon na nga sila ni Mayor Bistek.

“Kung may problema man ang mga magulang nila, hindi naman siyempre alam ng mga bata iyon, lalo na ang bunso na sampung taong gulang pa lang. Tapos maririnig nila sa TV ang ganoong bagay, at nasundan pa ng pagtatanong sa kanila sa school tungkol doon, kaya natural depressed ang mga bata. Buti na nga lang bakasyon na sa school dahil kung hindi, mas bugbog sa intriga ang mga bata,” sabi pa ng aming source.

Nang tanungin namin ang source kung alam ba ni Mayor Bistek na lalayasan siya ng kanyang common law wife at dalawang anak, ang sagot sa amin ay “Alam niya, siya pa nga yata ang nagbigay ng expenses para sa pag-alis nila eh. Para siguro makabawas sa mga intriga at tensiyon niya,” sabi pa ng source.

Alam naman yata daw talaga ni Mayor na magkakaroon siya ng ganyang problema, dahil bago pa nangyari ang kontrobersiyal na announcement sa TV, may nag-warning na raw sa kanya na masisira siya, at sisiraan siya kung mangyayari iyon. Kaso lumabas pa rin.

Lumabas pa ang isang detalyeng hindi namin nalalaman, sabi ng isa pang source, “Malakas si Tates sa press dahil siya ang nag-aasikaso at nag-aalaga sa mga iyon, hindi naman si Mayor. Kaya siguro natural lang na sa ganyang sitwasyon, mas kampihan nila si Tates.” Hindi namin alam iyan. Hindi rin namin kilala si Tates. Nagbigay kami ng suporta kay Mayor Bistek dahil sa kanyang vice mayor na si Joy Belmonte, iyon ang totoo.

Hintayin na lang natin kung hanggang saan aabot ang mga usapang iyan. Alalahanin ninyo, isang kampo pa lang ang ating nari­rinig. May isa pang pamilya na kung magsasalita, palagay namin parang pinaliguan na si mayor.

 

Carla napaboran sa paghihiwalay nila ni Geoff?

Kakuwentuhan namin ang ilang taga-GMA 7 dahil sumama kami sa pilgrimage ni Kuya Germs sa Manaoag. Ang isa pang napagkuwentuhan ay ‘yung split up nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann, na inamin ng aktres the day before sa telebisyon din.

Hindi rin namin alam kung bakit, pero ang lahat ng mga kausap namin noong hapong iyon at nagsasabing pabor sila sa split at natutuwa sila para kay Carla.

Wala naman silang sinasabing maling ginawa si Geoff. Wala rin naman silang maiturong third party kung mayroon man, pero sinasabi nilang baka nga malagay sa mas mabuti si Carla pagkatapos ng kanilang split up.

 

Male star may alagang call center agent at singer

May nagtatanong, bakit daw ba kung sabihin ay parang ang yaman-yaman ng isang male star na matagal nang natsi-tsismis na gay. “Sino ang sponsor,” tanong niya. Wala po siyang sponsor. Siya pa ang nag-iisponsor sa isang poging call center agent at isang poging singer.

vuukle comment

ALAM

CARLA

CARLA ABELLANA

KUNG

MAYOR BISTEK

NAMIN

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with