^

Pang Movies

Cedric at Deniece, sa selda mag-Holy Week ‘pag hindi nakapag-piyansa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi naman pala nagtatago si Jed Fernandez, isa sa mga akusado sa pambubugbog kay Vhong Navarro noong January 22 sa The Fort.

Nagpakita kahapon si Jed sa Taguig Metropolitan Regional Trial Court para magpiyansa sa grave coercion case na isinampa ni Vhong laban sa kanya.

Kasama ni Jed sa korte ang kanyang abogado at nagpiyansa sila ng P12,000 para sa temporary freedom niya.

Nahaharap din si Jed sa serious illegal detention case. Ang paglabas ng warrant of arrest para sa serious illegal detention case ang hinihintay ng mga supporter ni Vhong dahil non-bailable ito at diretso sa kulungan ang mga akusado kapag nadakip sila.

Isa pa sa inaabangan ang pagpunta nina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa korte ng Taguig City para sa kanilang piyansa.

May warrant of arrest din ang dalawa dahil sa grave coer­cion case. Kapag hindi sila nagpiyansa ng P12,000 each, may dahilan ang mga awtoridad para hulihin at ikulong sina Deniece at Cedric.

Kung hindi sila nakapagpiyansa kahapon, inaasahan na lilitaw ngayon sa korte ng Taguig ang dalawa dahil holi­day bukas hanggang sa Biyernes. Wala naman gustong mag-Mahal na Araw sa loob ng kulungan ‘di ba?

 

Sen. Jinggoy tinanggal na ang semento sa paa

Hindi pa nakakabalik mula sa Amerika si Senator Jing­goy Estrada na umalis ng bansa para patingnan sa isang American doctor ang kanyang knee injury.

Hindi na sementado ang tuhod ni Papa Jinggoy pero gumagamit siya ng baston sa kanyang paglalakad. Nagkaroon siya ng injury dahil sa basketball.

Matatagalan pa siguro o baka maging maingat na si Papa Jinggoy sa paglalaro ng basketball dahil sa dusa na inabot niya.

 

Pagiging blonde ni Michela ginagawan ng issue

Nakakaloka ang detractors ni Michela Cazzola, ang Italian dyowa ni James Yap dahil iniintriga, pati ang kulay ng kanyang buhok.

Ang sabi ng bashers ni Michela, fake blonde siya dahil nakita raw nila na kulay black ang roots ng kanyang buhok.

Ipinagtanggol si Michela ng fans ni Papa James. So what naman daw kung nagpapakulay siya ng buhok eh normal na ginagawa ito ng mga babae at lalake?

Saka bagay kay Michela ang blonde hair dahil magandang babae siya at higit sa lahat, in love na in love sa kanya si Papa James.

 

Supportive mom, AiAi nasa America para sa debut ng anak

Out of the country si AiAi delas Alas dahil lumipad siya sa U.S. of A para sa 18th birthday celebration ng kanyang bunsong anak na si Sophia.

Hindi puwedeng ma-miss ni AiAi ang birthday ng kanyang beloved daughter na mas pinili na mag-aral at manirahan sa Amerika.

Matagal nang ipinagpaalam ni AiAi sa mga bossing ng Dyesebel ang kanyang U.S. trip dahil sa debut ng bunso nila ni Miguel Vera.

vuukle comment

AMERIKA

CEDRIC LEE

DAHIL

KANYANG

MICHELA

PAPA JAMES

PAPA JINGGOY

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with