^

Pang Movies

Carla nahirapang makipag-break sa mga Eigenmann

- Vinia Vivar - Pang-masa

Umamin na si Carla Abellana last Sunday sa Startalk na break na sila ni Geoff Eigenmann. Four years din ang naging relasyon nila kaya naman hindi maiwasang maging emotional siya lalo na nga’t naging close rin siya sa pamilya ng boyfriend.

Ayon kay Carla, marami raw naging dahilan sa break-up na ayaw na niyang isa-isahin pa.

“We’re too diferrent talaga. Mas nagka-clash pa kami, kaysa nagkakasundo. Ang daming reasons and I wish puwede kong i-enumerate isa-isa, pero hindi na lang. Siyempre, I respect Geoff, I respect myself kahit paano pa rin,” say pa ng aktres.

Ikinalulungkot din ni Carla na pati ang closeness niya sa pamilya ni Geoff ay kasama rin sa maaapektuhan ngayong wala na sila.

 

Sarah excited nang rumampa sa Dubai kasama si Richard

Sa last week ng April ay lilipad patungong Dubai ang GMA Ar­tist Center star na si Sarah Lahbati kasama ang kanyang boyfriend na si Richard Gutierrez para sa isang Fashion Show na gaganapin sa May 1.

Ayon pa sa aktres, mag-i-stay sila ni Chard ng tatlo hanggang apat na araw sa Dubai bago bumalik sa Manila para sa iba pa nilang commitments.

“It’s my first time in Dubai to do a fashion show with Chard so it’s definitely going to be fun! I’m very excited to meet our kababayans sa Dubai and Abu Dhabi. They will surely enjoy the fashion show because one of the designers is Furne One and it’s going to be a major!” masayang pagbabahagi ng magandang aktres.

Samantala, muling mapapanood si Richard Gutierrez ngayong taon sa pelikulang handog ng GMA Films na Overtime kasama si Lauren Young.

 

Valerie balik sa pagiging estudyante

College student naman ang peg ni Valerie Concepcion ngayon. She is busy with school sa AMA Computer School taking up Marketing.

Nagbalik sa pag-aaral si Val to improve herself at bilang paghahanda rin kung sakaling hindi na siya masyadong active sa showbiz. At least nga naman ay may fallback siya.

Happy si Val dahil may bago na naman siyang teleserye sa GMA 7. Kasama siya sa cast ng Manilyn Reynes-Janno Gibbs series at siya ang magiging third party sa tambalan ng dalawa.      

vuukle comment

AYON

CARLA

CARLA ABELLANA

COMPUTER SCHOOL

DUBAI

DUBAI AND ABU DHABI

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with