^

Pang Movies

Isabel sanay nang maki-bonding sa pamilya ni John

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Blooming nga si Isabel Oli sa launch ng summer campaign ng Sophie Paris kamakailan.

Halatang in love si Isabel at inspirasyon niya ang kanyang boyfriend na si John Prats.

 â€œSiya ang nagiging driving force ko sa lahat nang gagawin ko sa aking career. He inspires me a lot kaya heto masaya tayo parati.

“Thankful ako na dumating siya sa buhay ko kasi mas marami akong natutunan sa buhay, lalo na ‘yung pagiging praktikal sa buhay at ‘yung ingatan ang mga pinagpaguran kong kitain.”

Ngayong Holy Week ay kasama siya ng Prats family sa bakasyon nila sa Batangas.

“They invited me para mag-Holy Week sa farm nila in Batangas. Umoo naman ako kasi wala naman akong ibang pupuntahan.

“Magba-bonding kami ng family niya. Ilang beses na rin kaming nagkakasama sa mga out-of-town lakad nila. Kaya excited ako na makasama ulit.”

Since okey na si Isabel sa pamilya ni John, matutuloy na ba ang nabalitang pagpapakasal nila?

“Wala pa ‘yon. Nakakagulat na mas marami pang nakakaalam kesa sa aming dalawa.

“We’ve talked about it pero wala pa talaga. Marami pa kaming inaasikaso sa careers namin kaya wala pa sa plano ang mag-settle down,” diin niya.

Kung tutuusin ay ilang beses nang nabalitang ikakasal si Isabel. Mula pa kay Paolo Contis, Gab Valenciano, at ngayon kay John Prats. Pero single pa rin siya hanggang ngayon.

Enjoy na uli sa pag-inom ng wine, princess Kate hindi totoong buntis

Pinabulaanan ng Duchess of Cambridge na si Kate Middleton na siya ay buntis ulit.

Kumalat ang balitang buntis ulit si Princess Kate nang bumisita ito sa New Zealand kasama ang kanyang asawang si Prince William at ang kanilang baby na si Prince George.

Pero napatunayang hindi totoong buntis ang prinsesa nang makita itong umiinom ng local wine sa Otago Wines sa Amisfield winery in Queenstown, New Zealand nang bumisita sila.

Nagsimula ang buntis issue nang magbiro si Prince William sa isang nakausap niyang babae na baka masundan na agad si Prince George.

Kumalat agad ito at naging headline sa lahat ng mga online newspapers.

Pero mabilis na-prove na walang katotohanan na buntis ulit si Princess Kate dahil enjoy itong tumikim ng wine ulit. Natigil kasi siya sa pag-inom for a year dahil sa pagbuntis niya kay Prince George.

Jennylyn at Benjamin, nasa getting-to-know stage na!

Inamin ni Jennylyn Mercado na binisita siya sa ospital ng na nali-link sa kanya ngayong si Benjamin Alves.

Naospital si Jennylyn dahil sa sobrang stress sa trabaho dahil na rin siguro sa tatlo ang characters na ginagampanan niya sa kanyang primetime series na Rhodora X.

Kuwento pa ni Jen na tumaas hanggang 40 degrees ang lagnat niya kaya kinailangan na siyang ma-confine sa ospital at kabitan ng dextrose.

“Okey naman na ako. Nagpapalakas na lang muna.

“Masyado lang kaming napagod dahil nag-advance tapings dahil Holy Week nga.

“Mabuti naman at nakapagpahinga ako nang husto.”

May plano silang mag-out of town ng kanyang anak na si Alex Jazz para masulit ang pahinga niya.

“Marami akong time na hindi nabigay kay Jazz noong magsimula ang Rhodora X. Kaya this Holy Week ay mag-bonding kaming mag-ina.

“Gusto kasi ni Jazz sa beach kaya baka sa beach kami pumunta,” ngiti pa niya.

Biniro pa si Jen na baka sa same beach kung saan sila noon pumupunta ng kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano magpunta, at baka raw magkasakit ulit siya.

“Siyempre, hindi na dun! Move on na tayo, ‘di ba?” tawa pa niya. “Maghahanap kami ng bagong lugar kung saan makaka-relax kaming lahat.”

Regarding kay Benjamin, wala pang masyadong naikukuwento si Jennylyn dahil getting-to-know-you stage pa lang sila nito.

Pinayuhan si Jen ni Heart Evangelista na sana ang next boyfriend nito ay hindi na artista para hindi na siya masaktan pang muli.

“Pero si Benjamin naman, okey naman siya. Kinikilala ko pa naman siya. Nagpapasalamat ako na he took time out para bisitahin ako sa ospital,” pagtatapos pa ni Jennylyn Mercado.

vuukle comment

HOLY WEEK

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JOHN PRATS

NEW ZEALAND

NIYA

PERO

PRINCE GEORGE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with