^

Pang Movies

Hindi mabigkas ng tama ang lyrics Jessica hindi na raw dapat pinakakanta ng Pambansang Awit

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Walang traffic at halos walang tao sa kalye. Lahat abala sa panonood ng laban ni Manny Pacquiao. Hanggang noong gabi, nakatutok pa rin sila sa telebisyon. Para bang magbabago pa ang resulta sa kanilang muling panonood. Pero hindi mo rin naman masisisi ang ating mga kababayan. Para sa kanila, malaking karangalan para sa lahat na muling mabawi ng pambansang kamao ang kanyang world title.

Pero hindi lang si Manny ang naging star sa labang iyon. Ang talagang pinag-usapan sa social media ay si Mommy Dionisia. Nakunan kasi siya ng TV camera na para bang isinusumpa si Timothy Bradley. Bigla na lang may nagsabi nagka-cast daw ng spell si Mommy Dionisia kaya natalo si Bradley. Unfair naman iyon doon sa matanda na wala namang ginagawang masama.

Marahil ay natangay lang si Mommy Dionisia ng kanyang emosyon bilang isang ina. Sa ganoong mga laban, natural lang na mag-alala siya. Nakikita kasi niya ang anak na nasusuntok at nasasaktan. Natural din namang mainis siya nang makita niyang inulo ang kanyang anak.

Mali ang kanilang palagay. Sa napanood naming video, sigurado kami, nagdarasal lang si Mommy Dionisia para sa kanyang anak. Papaano mo namang pagbibintangan iyong matanda na isinusumpa si Bradley eh may hawak pa siyang rosaryo, at palagay namin iyong hinahalikan niya ay isang estampita. Ipinakikita niya sa mga ganoong pagkakataon na naroroon ang kanyang tiwala sa Diyos. Ano naman ang masama sa kanyang ginagawa?

Ang hindi namin nagustuhan doon sa laban ni Pacquiao ay iyong pagkanta ni Jessica Sanchez ng Pambansang Awit ng Pilipinas. Obvious na hindi niya alam ang lyrics at hindi niya naiintindihan ang kanyang kinakanta. Obvious dahil ni hindi niya alam kung papaano ang tamang bigkas ng mga salitang Tagalog. Hindi naman kasi Pilipino si Jessica Sanchez, nagkataon lang na may mga kaanak siya sa Pilipinas dahil sa nanay niya pero hindi siya Pinoy. Isa pa, nakasali lang sa American Idol, ni hindi pa nga nanalo, akala mo kung sino nang star na la­ging pinakakanta ng pambansang awit, hindi naman makanta nang maayos.

Iyon lang naman ang mga napuna namin.

Carla at Geoff parehong nagdusa sa naging relasyon

Si Carla Abellana na mismo ang umamin na talagang break na sila ni Geoff Eigenmann. Pero wala naman siyang binanggit na third party. Ang sabi niya ay marami nang nagkapatung-patong na dahilan kaya minabuti na nilang mag-split kaysa naman sa lagi silang nag-aaway.

Iyan ang pinakamagandang desisyon na magagawa nila, kung hindi na talaga kayang magkasundo. Buti nga hanggang hindi pa sila mag-asawa mag-split na sila. Hindi kagaya ng iba, nagmamamadali sa pag-aasawa tapos makikipaghiwalay din naman.

Controversial showbiz character 2004 nang huling makipag-sex sa ka-partner

Natawa kami sa narinig naming usapan ng isang kontrobersiyal na showbiz character at isa niyang kaibigan. Tanong ng kaibigan, “Kailan ba kayo naghiwalay ng syota mong iyan.” Ang sagot, “Hindi naman kami talagang nagsama eh.” Sa sumunod na tanong, “Kailan kayo huling nag-sex?” Sagot naman ni showbiz character, “sa pagkakatanda ko ang huli noon pang 2004.”

 â€œEh bakit sinasabing iniwan mo siya nang walang sabi-sabi?” tanong muli ng kanyang kaibigan.  Ang sagot naman niya, “ano ba ang malay ko sa kanya?”

Ganoon talaga ang totoong istorya niyan?

 

vuukle comment

AMERICAN IDOL

JESSICA SANCHEZ

KANYANG

LANG

MOMMY DIONISIA

NAMAN

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with