^

Pang Movies

Deniece, Cedric, et. al, ipinaaaresto na?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May dapat ipagpasalamat sa Holy Week sina Deniece Cornejo, Cedric Lee, at ang kanilang grupo .

Dahil Holy Week, magkakaroon ng peace and quiet ang mga akusado sa pambubugbog kay Vhong Na-varro dahil pahinga ang media mula Maunday Thursday hanggang Black Saturday.

Pansamantala na mawawala sa news ang grupo na sinampahan ng mga kaso ng  grave coercion at serious illegal detention, isang offense na walang piyansa.

Inilabas kahapon ng Taguig City Regional Trial Court ang arrest warrant para kina Cedric, Deniece, et al para sa grave coercion case kaya headline na naman sila ng mga balita.

Pagkatapos ng paglabas ng arrest warrant para sa grave coercion,  makakapagnilay-ni-lay  pa nang husto ang grupo nina Cedric at De-niece na biglang nagbago ang takbo ng buhay sa isang iglap dahil sa ginawa nila kay Vhong. Saan kaya sila magbabakasyon ngayong Semana Santa?

Ibang singer puwedeng-puwede rin sa Lupang Hinirang

Dedma ang mga Pinoy sa pagiging runner up ni Jessica Sanchez sa American Idol dahil walang pakundangan ang pang-ookray nila sa Filipina-American singer na umawit ng Philippine National       Anthem sa laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr. sa Las Vegas noong April 12.

Inookray si Jessica dahil mali-mali ang bigkas niya sa lyrics ng  ating Pambansang Awit. May mga nagsasabi na hindi na dapat maulit ang pagkanta ni Jessica sa Lupang Hinirang sa mga future fight ni Papa Manny para hindi na magkaroon ng part 3 ang kanyang mga pagkakamali.

Nagkamali man o hindi si Jessica sa pag-awit sa Lupang Hinirang, dapat bigyan ng chance ang ibang mga Pinoy singer na  makakanta ng Philippine National Anthem sa laban ni Papa Manny. Marami ang mahuhusay na Pinoy singer na naghihintay lang ng proper break.

Kris sapaw na sapaw

Nasapawan ng tagumpay ni Papa Manny ang mga balita tungkol sa love affair nina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Hindi lang tayo sure kung natuwa si Kris dahil pansamantalang nagkaroon ng katahimikan ang relasyon nila ni Herbert na ayaw tantanan ng mga batikos mula nang aminin niya ang kanilang pagmamahalan.

Sanay pa naman si Kris na pinag-uusapan siya. In fairness kay Herbert, hindi pa ito nagsasalita o nagpapainterbyu pagkatapos ng pag-amin ng kanyang girlfriend.

Hintayin natin na matapos ang Holy Week dahil baka may mga bagong pasabog si Kris tungkol sa  kanyang love life.

Annabelle todo-todo ang pagsigaw

Napanood ko ang video ng panonood ni Annabelle Rama sa laban nina Pacquiao at Bradley.

May sapat na dahilan ang mga anak ni Bisaya na makaramdam ng stress dahil todo-bigay ang pagsigaw ng nanay nila. Nagiging emosyonal si Bisaya sa tuwing pinapanood niya ang mga laban ni Papa Manny. Walang pakialam si Bisaya kahit matrauma at ma-eskandalo ang kanyang mga katabi dahil mas importante na maisigaw niya ang mga nararamdaman.

Hindi sila nagkakalayo ni Dionisia Pacquiao na kapwa Bisaya ni Annabelle. Emote-to-the max si Mommy D kapag nanonood ito ng mga laban ng kanyang favorite son.

Ryzza star na star sa Canada

Bumalik na kahapon sa Pilipinas si Ryzza Mae Dizon mula sa halos isang linggo na pamamalagi sa Canada.

Successful ang show ng Eat Bulaga sa Toronto at isa si Ryzza sa mga pinagkaguluhan doon ng Pinoy community. Star na star si Ryzza sa ibang bansa dahil tuwang-tuwa sa kanya ang mga kababayan natin sa Canada na mga loyalist ng Eat Bulaga at The Ryzza Mae Show.

vuukle comment

BISAYA

DAHIL

EAT BULAGA

HOLY WEEK

JESSICA

LUPANG HINIRANG

PAPA MANNY

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with