^

Pang Movies

Deniece Cornejo galit na galit sa DOJ

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Halatang galit at masama ang loob ni Deniece Cornejo nang sabihin na niyang ‘‘ako na ang na-rape at naperwisyo, ako pa ang nademanda at nagkaroon ng kaso.’’

Naisampa na kasi ng korte ang mga legal cases against her and Cedric Lee at iba pa na illegal detention, extortion at iba pa. Ang kaso naman na ibinibintang ng kampo nina Cornejo at Lee against the dancer/comedian, binasura ng Department of Justice.

Siyempre ’yon pang mga sumulpot na rape cases against Vhong, mapapawalang bisa rin. Ngayon ma-linaw na ang mangyayari sa pambubugbog sa komedyante.

Tito, Vic and Joey puwede nang ipasa sa mas mga bata ang Eat Bulaga

Dati sina Tito, Vic, at Joey ang nagdadala ng Eat Bulaga. Ngayon ang original dabarkads trio na ang dinadala ng durable daily noontime show toprater.

Si Vic Sotto, kapag may pinapalabas na pelikula, babad ang promo sa Bulaga. Tiyak kasing tatangkilikin ang kanyang movies ng milyones na viewers ng pantanghaling palabas.

Isang panahon, dumalang ang pagsipot ni Sen. Tito Sotto sa Eat Bulaga. Ito ang isa sa mga dahilan nang pagkatalo niya sa senatorial elections that time.

Si Joey de Leon naman, regular ang hosting sa Bulaga. Kaya tuloy ang kanyang iba’t ibang TV shows sa Kapuso at Kapatid networks.

Maraming mga talented and young stars na mahusay mag-host ng show, kumanta, magpatawa at magdrama. Kaya maari nang ipagkatiwala ang Bulaga sa mga higit na nakababatang artista. Sina Tito, Vic & Joey na considered mga institution na sa showbiz, higit na nagbibigay ng mahabang oras sa kanilang mga nagiging kapalit sa show.

Jason at Melai hindi maipaliwanag ang nararamdaman sa anak

Siyempre hindi maipaliwanag ni Jason Francisco ang feeling noong una niyang makita ang baby  nila ni Melai Cantiveros. Bukod kasi sa walang kapantay ang saya, pakiramdam ng aktor higit na na-appreciate niya ang buhay.

Sino naman kaya kina Jason at Melai ang kamukha ng kanilang panganay? Kahit sino, hindi importante. Mahalaga healthy ang kanilang first born at pwede nang gumawa ng kasunod!

Johnny Depp pakakasal na uli

Si Johnny Depp mismo ang nag-announce na engaged na sila ni Amber Heard. Diamond studded ang bigay na singsing ng aktor sa kanyang fiancé.

Hanggang ngayon magkasundo naman sina Depp at ang kanyang ex wife of 14 years na si Vanessa Paradis, isang French singer/actress. Dalawa ang anak nila, sina Lily Rose, 14 at Jack, 12.

JASMINE AT ANNE HINDI NAGLILIHIMAN

Kahit nagkaroon ng away ang kanyang Ate Anne Curtis at ang boyfriend niyang si Sam Concepcion, magkasundo silang magkapatid.

Okay naman kay Jasmine Curtis Smith na nagkaayos agad sina Anne at Sam. Ang kanyang ate pa rin ang takbuhan ng young actress, na nagbibigay sa kanya ng mga payo tungkol sa career, buhay at pag-ibig.

Very close kasi ang Curtis family sa isa’t isa, kaya sigurado si Jasmine na imposibleng magkaroon sila ng gap sa isa’t isa.

vuukle comment

AMBER HEARD

ATE ANNE CURTIS

BULAGA

CEDRIC LEE

DEPARTMENT OF JUSTICE

EAT BULAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with