^

Pang Movies

Heart pinatatamaan ang walang class at mali-maling pag-i-Ingles ni Marian?!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ano ba itong ipinagsisintir ni Heart Evangelista kay Marian Rivera na hindi pa rin matapus-tapos ang pasaring niya sa social media? Naku, hindi pa marahil sapat ang hagupit na tinanggap niya sa defenders ng GMA Primetime Queen sa pinoste niya sa kopya ng Cosmo magazine kaya sige pa rin ang pahaging niya sa aktres, huh!

Siyempre, kainggit-inggit nga naman kasi ang mga post ni Yan Yan sa Instagram account niya. Masaya si Marian kapag kapiling ang pamilya niya pati na ’yung mga blessing na bagong endorsements niya. For sure, apektado si Heart dahil alam naman ng publiko ang relasyon niya sa mga magulang.

Ang dinig namin, nakakuha ng kakampi si Heart sa isang aktres. Nagpapalitan sila ng komento na hindi man tuwirang tukuyin ay si Marian ang pinatatamaan nila. Diumano, wala raw class si Marian dahil hindi marunong mag-Ingles!

Aba, sobra namang makalait ang aktres na ito. Hindi naman totoo ’yan! Graduate ng college ang bida ng Carmela kaya imposibleng hindi marunong magsalita ng English si Marian. Eh marunong ngang magsalita ng English ang aktres pero kung pangit naman ang ugali, mas gugustuhin namin maging malapit sa taong hindi nga magaling mag-English pero mabait namang tao at hindi antipatika, ’no?!

Inggit at insecure lang ang umiiral kay Heart at sa kakampi niyang aktres kasi nga mananatili silang second or third kay Marian! Magpakita muna sila ng pruweba ng kabutihan ng ugali bago sila makahanap ng kakampi, ’no?!

Meg inaming walang buhok ang flower!

Sasabak na sa pagpapainit tuwing hapon si Meg Imperial. Aprubado sa ABS-CBN president Charo Santos-Concio ang pagbibida niya sa Moon of Desire na papalit sa timeslot ng Galema. Hindi dapat patalbog si Meg dahil makakalaban niya sa pagpapaseksi ang wala ring takot sa hubaran na si Ellen Adarna, huh!

Eh kung sa launching movie ni Meg na Menor de Edad ay pigil pa ang paghubad niya’t paglalandi sa leading man, dito sa Moon of Desire, let it go ang drama niya. After all, fresh-fresh-an ang mga lalaking makakaromansa na sina JC de Vera, Dominic Roque, at baguhang Miko Raval.

Sa tatlo, nakasama na niya si JC sa isang show sa TV pero first time niya kina Dom at Miko. Sa taping na ginawa, mas mainit ang pakikipag-ulayaw niya kay Dominic.

“Weird ’tapos mainit siya (love scene niya kay Dom)! Kasi may buhok ako habang ginagawa niya. Ang pangit, ’di ba?” natatawang pahayag ni Meg sa solo presscon niya.

Sa series kasi ay isang babaeng tinutubuan ng balahibo sa katawan ang role niya kapag inaatake ng sakit.

Masarap bang humalik si Dom?

“Hala! Hahaha!” saad niya.

Mahusay na ba siyang humalik?

“Mahusay naman po siya! Hahaha!” tugon niya.

Hindi ba mahirap makipag-love scene ’pag mabuhok? Hinahawi-hawi ba ni Dom ang mga buhok?

“Tini-trim naman po,” sakay naman ni Meg sabay tawa. “Bakit double meaning ’pag kayo ang nagtatanong?”

Paano siyang chinorvah?

“Siyempre may parts ako sa body na walang buhok. ’Yung private parts walang hair! Hahaha!” natatawa pa ring tugon ni Meg.

vuukle comment

CHARO SANTOS-CONCIO

DOMINIC ROQUE

ELLEN ADARNA

HAHAHA

HEART EVANGELISTA

MAHUSAY

MOON OF DESIRE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with