^

Pang Movies

Toni hindi kinayang makita ang nabalatang mukha ni John Lloyd!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi kinaya ni Toni Gonzaga ang nakitang picture ni John Lloyd Cruz pagkatapos ng motorbike accident ng aktor kaya nang makatsikahan namin siya, say ng TV host/actress ay hindi pa raw niya binibisita ang kapareha sa Home Sweetie Home.

 â€œHindi ko pa siya nakikita. Ayoko eh. Nakita ko ‘yung picture eh. Sabi ko, ‘Naku, sandali.’ Grabe ’yung picture. Na-scrape ’yung ano eh,” she said.

May balita nga kasing nabalatan daw ang mukha ni Lloydie dahil sa nasabing aksidente.

Pinagpahinga raw muna si Lloydie sa Home Sweetie Home kaya hindi na muna ito magte-taping.

Last taping day ay hindi na nga nakapunta si Lloydie kaya si Piolo Pascual daw ang pumalit pero one episode lang daw.

Hindi pa alam ni Toni kung kailan magre-resume ang kapareha ng taping.

 â€œSiguro hangga’t hindi pa siya magaling pero sabi pipilitin na raw next week,” kuwento niya.

Samantala, muli ay natanong si Toni tungkol sa hindi mamatay-matay na tsismis na engaged na sila last year pa ng boyfriend na si Paul Soriano.

Ayon kay Toni, parang hindi naman daw maganda para sa isang magkasintahan especially sa part ng girl na itago pa ang engagement.

 â€œKasi ’pag engaged talaga, engaged na. Hindi naman itinatago ’yun. ’Di ba dapat, ipinagsisigawan ’yun? Saka nakaka-turn off ’yun na malaman na engaged ka na pala, itinatago mo lang. Hindi naman ako ganun,” she said.

Pero ilang beses na rin naman niyang sinabi na ready na siya talaga for engagement at this point in time. Kaya lang hindi naman daw siya nagmamadali at lahat ng bagay naman daw ay in God’s will.

Pinuri rin si Toni na nakakaya nilang panindigan ni Paul ang “no sex before marriage” at tumatak talaga sa showbiz ang dialogue niya sa Aquino and Abunda Tonight na “love should be greater than lust.”

“Kasi sa panahon ngayon, ’di ba, alam mo na, na mayroong ‘taste test’? Tester nang tester, hindi naman binibili ang produkto. ’Di ba, sa department store, may tester, ayaw bilhin ang buong pabango? Kasi naamoy na. Naku, naamoy na, o!” natatawa niyang sabi.

 â€œAyaw kong magpa-tester, gusto ko, bilhin ang buong product,” dagdag na biro pa niya.

But seriously, say niya, lugi raw kasi ang babae sa premarital sex.

 â€œâ€™Yun ang paniniwala ko pero siyempre iba rin ‘yung paniniwala ng iba. Hindi ko naman kino-contest ’yun. Ito naman ay sa akin lang. Pero kung iba rin ang opinion ng iba, siyempre, nire­respeto ko naman ’yun. Kanya-kanya namang paniniwala ’yan,” sabi ng singer-actress-TV host.

Cristine umaming nakiuso sa pagde-deny ng relasyon kay Dennis

Kahit prangka si Cristine Reyes at sinasabi nang diretso ang kanyang nararamdaman, aminado rin siyang may pagkakataon ding nagsinungaling siya at ito ay nang i-deny niya noon na boyfriend niya si Dennis Trillo.

 â€œParang kailangan lang siguro na medyo private kaya na-deny kasi, parang dati, uso ’yung ganun ’di ba? Ewan ko, parang gusto tago, eh di tago,” katuwiran ni Cristine.

Pero si Dennis lang naman daw ang itinanggi niya before. ’Yung mga sumunod naman daw niyang relasyon ay open naman sa public at inamin naman niyang lahat.

Kaya nga swak na swak din sa kanya ang Honesto na nagpo-promote ng tungkol sa honesty.

Magtatapos na ang Honesto sa March 14 at sa mga nalalabing episode ng serye, ayon kay Cristine, marami pa raw dapat abangan at isa na nga rito ay kung kelan malalaman na si Honesto ang anak ng karakter ni Paulo.

 

vuukle comment

CRISTINE

DAW

HOME SWEETIE HOME

HONESTO

KASI

LLOYDIE

NAMAN

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with