^

Pang Movies

John at Isabel binulabog ng billboard sa EDSA

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nabulabog ang mundo ng magkarelasyong sina John Prats at Isabel Oli last Feb. 14 sa rami nang nagtanong kung proposal ba ng aktor sa girlfriend ang nakakalat na billboard sa EDSA and Commonwealth Ave. na ang nakalagay ay “Olivia, Will You Marry Me?”

Sunud-sunod talagang makikita ang mga billboards sa kahabaan ng EDSA at Commonwealth noong mismong Valentine’s Day kaya ang dami ring kinilig sa ideya na marriage proposal ito ng guy sa kanyang girlfriend.

Imagine nga naman, what a unique and expensive way to propose dahil isang billboard pa lang ay pagkamahal-mahal na.

At dahil nga Olivia ang real name ni Isabel at ang family business naman nina John ay billboard printing plus birthday din ng aktor that day, inisip ng marami na marriage proposal iyon ng Kapamilya aktor sa Kapuso girlfriend.

Ilang sandali pa at nag-trending na ang billboard at ang daming comments sa iba’t ibang social media sites. Nagtatanong sila kung sino ba talaga si Olivia at kung si Isabel daw ‘yun, ang haba naman daw ng hair ng aktres.

Pero marami rin naman ang naghihinala na baka naman ad lang talaga ang billboard for an upcoming endorsement.

Tinanong namin agad ang manager ni Isabel na si Becky Aguila at say niya, according to her alaga, hindi raw siya ang Olivia na ‘yun.

 â€œAccording to Isabel, John is a very private person. Pati mga big stars na friends nila from both networks texted them if it’s true. Sobrang dami ng kinilig,” say ni Tita Becky.

Say pa ni Isabel, sasabihin naman daw nito kung sakaling pakakasal na nga siya.

“I think, it’s for an endorsement. Sana nga raw, sila na lang ang kunin na endorsers since na-identify na sila sa ad at nag-trending pa,” say ni Tita Becky.

Samantala, sa kanyang Instagram account ay nag-post si Isabel ng touching birthday message for John.

“Blessed Birthday to the most handsome, down to earth , super ta­lented (Dancefloor Dynamite/Host/Actor), sweetest person I know, my Hubb @iamjohnprats, I’m really blessed to have you in my life, nothing could be more special than the day when you came into this world.

“Thank you for loving me, for making me laugh, for being silly, for taking care of me, for being so patient with me, for being the best boyfriend and best friend to me. I will always be here for you no matter what. May God’s awesome blessings be upon you this day and for the future years ahead. Stay awesome Hubbytaotao! I love you Hubbaaah. Happy Birthday and Happy Valentines Mars Love, Your #1 Fan... Wifeytotit,” ang post ni Isabel.

In-upload din ng aktres ang ilang videos na kuha niya mula sa party ng kanyang boyfriend that night. They really look like a happy and sweet couple.

Piolo gagawa na uli ng maraming romcom

As of press time, breaking the record ang Star­ting Over Again ng Star Cinema starring Piolo Pascual and Toni Gonzaga dahil kumita ito ng kamangha-manghang 100M sa tatlong araw pa lamang na pagpapalabas nito.

Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ng produksyon at ng buong cast, gayundin ang direktor na si Olivia Lamasan.

Mukhang na-miss talaga ng manonood si Piolo in a rom-com movie. Ang huling pelikula kasi ni Papa P. ay isang action-supense, ang On the Job o OTJ. Plus siyempre, first team-up movie ito nina Piolo and Toni.

 

 

vuukle comment

BECKY AGUILA

BLESSED BIRTHDAY

COMMONWEALTH AVE

DANCEFLOOR DYNAMITE

HAPPY BIRTHDAY AND HAPPY VALENTINES MARS LOVE

ISABEL

ISABEL OLI

JOHN PRATS

TITA BECKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with