^

Pang Movies

Script ng serye nina Goma at Dawn nakakailang revision na, hindi pa rin mabuo-buo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Five weeks pang mapapanood ang tawa-ser­yeng Ma­dam Chairman ni Sharon Cuneta na umabot din ng 20 weeks. Hindi naman nahirapan sa taping si Sharon dahil at 12:00 midnight, pack up na sila kay Direk Joel Lamangan. For the last few weeks, special guest nila si Richard Gomez na alam nating dating boyfriend at ka-love team ng Megastar.

Ayon kay Richard, no problem naman ang paggi-guest niya dahil ang contract niya sa ABS-CBN ay para lamang sa drama series kaya libre siyang mag-appear sa ibang network kung tulad ng Madam Chairman na isang sitcom. Hindi pa raw kasi matuluy-tuloy ang bago nilang teleserye ni Dawn Zulueta sa Kapamilya Network dahil ilang revision na raw ng script, hindi pa rin mabuo ang story. Three taping days siya sa Madam Chairman pero hindi niya alam kung hanggang kailan siya mapapanood, na magsisimula na mamayang gabi, pagkatapos ng Let’s Ask Pilipinas.

“May gagawin kaming movie for TV din ni Richard,” sabi ni Sharon. â€œNahihiya nga akong mag-request pa ulit sa kanya dahil nag-guest na siya sa The Mega and the Songwriter ’tapos dito sa Madam Chairman pero hindi naman siya tumanggi nang kausapin muli siya for a movie-TV project dahil one night lamang iyon mapapanood. Hopefully, kami na ang magkatambal sa isang bagong tawa-serye na gagawin ng TV5.”

 Itinuwid ni Sharon ang nasulat na gagawa siya ng isang drama anthology na parang si Ms. Charo Santos-Concio siya. Minsan, May Minamahal daw ang title ng show na siya ang presenter at aawit ng song of the week with Jay Durias. Ang featured song ang igagawa ng story pero hindi siya ang gaganap. Pero magbabakasyon daw muna siya after ng taping ng Madam Chairman dahil may chronic sinusitis siya at kailangan daw muna niyang mag-undergo ng ilang tests para gumaling ito.   

Aljur makakapag-concentrate na kay Louise

Final episode na mamayang gabi, bago ang 24 Oras ng romantic-comedy series na Prinsesa ng Buhay Ko nina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Pagkatapos ng maraming away-bati at ilang beses na na-postpone ang marriage proposal ni Nick (Aljur) kay Cess (Kris), tuloy na rin ang kasal nila dahil naayos na ang lahat ng kaguluhan at nagkabati-bati na rin ang pamilya nilang dalawa. Natanggap na rin ni Kate (LJ Reyes) na ang tunay na ama ng kanyang anak ay hindi si Nick kun­di ang best friend nitong si Steve (Ping Medina) kaya happy ending na ang lahat.

Makakapag-concentrate na rin si Aljur sa taping ng bago niyang telefantasya sa GMA 7, ang Kambal Sirena, at may bago na siyang leading lady, si Louise de­los Reyes, who will play a dual role. Sila ang papalit sa Adarna ni Kylie Padilla sa March.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ASK PILIPINAS

BUHAY KO

DAHIL

DAWN ZULUETA

MADAM CHAIRMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with