^

Pang Movies

Bong walang urungan ang privilege speech!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Bukas (Lunes, Jan. 20) na nakatakdang mag­sa­lita si Sen. Bong Revilla, Jr. sa Senado at han­dang-handa na nga raw ang aktor/politiko sa kanyang privilege speech na gagawin.

Dito ay sasagutin niya ang lahat ng akusasyon sa kanya at say nga niya nang ma­katsikahan namin siya last week sa lunch with the press, magkakaalaman na sa Jan. 20 dahil sasabihin niya kung ano ang totoo talaga.

Aware rin si Sen. Bong na pagkatapos niyang magsalita ay maaaring may ibato na naman sa kanya pero nakahanda siya sa anumang kahihinatnan as long as alam niyang nasa panig siya ng katotohanan.

Ang tanging hangad lang niya sa sam­bayanan, sana raw ay pakinggan muna siya bago siya husgahan.

Balitang suportado si Sen. Bong ng kanyang buong pamilya’t mga kaibigan sa kanyang privilege speech at magdada­tingan ang mga ito sa Senado para big­yan siya ng moral support.

Cristine kumambiyo, sa trabaho na bigay-todo

Pikit-matang nagtitiis at patuloy na nagsasakri­pisyo para sa kanyang minamahal ang karakter ni Cristine Reyes sa top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na Honesto.

Alang-alang sa kapanatagan ng loob ni Diego (Paulo Avelino), nagdesisyon si Marie (Cristine) na kalimutan muna ang sariling kaligayahan at tumulong sa paghahanap kay Fina (Maricar Reyes).

 Well, in real life, ay bigay-todo ring magmahal si Cristine to the point na kung minsan ay isinasakripisyo rin ang kanyang career. Ilang beses na kaya nating nasaksihan na kapag super in love ang aktres ay halos ayaw magtrabaho at naka-focus lang sa kanyang love life.

Kaya mas bagay kay Cristine talaga ang walang boyfriend like now. Yes, after her whirlwind romance with Derek Ramsay, wala pa naman ulit inaanunsiyong boyfriend ang aktres.

 Anyway, maganda rin ang pasok ng 2014 kay Cristine career-wise dahil bukod sa Honesto na napapanood sa primetime slot ng ABS-CBN ay may movie rin siya under Viva Films kasama sina Derek and Heart Evangelista, ang Trophy Wife.

Jericho at JC sabik na sa buhay ng mga nakikiapid

Aminado ang internationally-acclaimed actor na si Jericho Rosales at ang new Kapamilya leading man na si JC de Vera na tulad ng maraming viewers ay pinananabikan na nila ang pagsisimula ng kanilang primetime family drama series sa ABS-CBN na The Legal Wife.

“Nakakatuwa na marami na palang taong ma­tin­di na agad ang koneksiyon sa Legal Wife dahil lang sa napanood nilang trailer. Sinisiguro po na­ming may mas malalalim pang kuwento kaysa sa title ng show namin. Hindi lang siya tungkol sa pakikiapid,” pahayag ni Jericho kaugnay ng kontrobersiyal na eksenang sampalan ng mga bidang aktres sa serye na sina Angel Locsin at Maja Salvador.

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BONG REVILLA

CRISTINE

CRISTINE REYES

DEREK AND HEART EVANGELISTA

DEREK RAMSAY

LEGAL WIFE

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with