^

Pang Movies

Juday kabado sa bagong show!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kapamilya pa rin si Judy Ann Santos dahil finally ay pumirma na rin siya ng panibagong kontrata last Wednesday.

As we all know, na-delay ang pagre-renew ni Juday dahil after her teleserye Huwag Ka Lang Mawawala ay nagpaalam ang aktres na gusto munang mag-isip-isip for a while lalo pa nga’t may option din naman siyang lumipat ng ibang network although nagpahaging na siya noon pa na malaki ang posibilidad na talagang magre-renew siya.

Timing pa na nagkasakit ang mister niyang si Ryan Agoncillo na lalong naka-delay sa contract-signing event.

A few days ago lang gumaling si Ryan kaya naman heto na nga at natuloy na rin ang pirmahan ni Juday.

New look pa ang aktres nang sumipot na ipinakita sa TV Patrol at mas lalo yata siyang bumata.

Sa bagong kontrata ni Juday, first project niya ang Bet on Your Baby na isang game show na ang contestants ay mga toddler at parents ng mga ito.

Ayon ka Juday, excited na kinakabahan siya sa bagong show.

“Nung nakita ko ’yung peg ng show, na-happy ako kasi ako mismo, nung pinapanood ko siya, na-tense ako kung makukuha ba ni bagets ’yung bet ng mommy niya. Nakaa-ano siya, ’yung nakakatanggal ng problema,” pahayag ni Juday sa panayam ng ABS-CBN.

When asked kung bet na ba nila ni Ryan na magka-baby ulit, aniya ay napag-uusapan nga nila kung ano kaya ang magiging hitsura ng pangatlo nilang anak kung sakali.

But kung sakali naman na talagang magbubuntis siya ulit, aniya ay malalaman din naman natin ’yun at hindi naman maitatago.

Joey de Leon bumilib sa boses ni Michael Pangilinan

Naririnig na regularly ang second single ng Bagong Kilabot ng Kolehiyala na si Michael Pangi­linan entitled Kung Sakali (popularized by Pabs Dadivas in the ’70s) sa iba’t ibang radio stations lalo na sa dalawang sikat na FM Stations – ang Love Radio and YesFM.

Personal na rin naming napakinggan ang nasa­bing single at sa totoo lang, gustung-gusto namin ang pagkakahagod niya ng kanta.

Pati nga si Joey de Leon ay nagsabing iba talaga ang hagod ni Michael ng song nang minsang mapakinggan niya ito sa radio program ni katotong Jobert Sucaldito.

Ang Lite CD ni Michael na Michael Pangi­linan: Bakit Ba Ikaw contains six tracks kabilang na ang music video ng carrier single niyang Bakit Ba Ikaw penned by Vehnee Saturno. Ang iba pang kanta ay Ang Saksi Ko, Dance With My Father, and Umagang Kay Ganda na duet with Prima Diva Billy.

Ang album ay released by Star Records at out na sa mga record bar.

vuukle comment

ANG LITE

ANG SAKSI KO

BAGONG KILABOT

BAKIT BA IKAW

DANCE WITH MY FATHER

HUWAG KA LANG MAWAWALA

JOBERT SUCALDITO

JUDAY

MICHAEL PANGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with