^

Pang Movies

Young actress nag-iilusyon sa dyowa, tikiman lang pala at walang pag-asang seseryosohin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Matagal nang hiwalay ang young actress at ang kanyang boyfriend na mula sa kilalang pamilya. Ang sabi ng source ko, nagkikita pa rin ang dalawa at tikiman portion na lang ang kanilang relasyon.

Alam ng mhin na hindi faithful girlfriend ang young actress kaya never na seseryosohin ang kanilang relasyon.

Ang young actress lang ang naghahabol sa mhin at mahilig magpainterbyu tungkol sa love affair nila. Nabubuhay daw sa ilusyon ang young actress dahil alam din niya na hindi mauuwi sa kasalan ang kanilang relasyon.                                              

Neri nagkulong ng dalawang linggo simula nang kumalat

ang sex video

Dalawang linggo pala na nagkulong si Neri Naig sa kanyang kuwarto nang kumalat sa social media ang private video nila ni Chito Miranda.

Hindi pa okay si Neri pero malaking tulong ang suporta ng mga tao sa pagsubok na pinagdaraanan niya. Ikinatuwa ni Neri ang mga mensahe ng suporta na nabasa niya mula sa mga tao na hindi nila personal na kilala ng kanyang boyfriend.

Hindi si Neri ang kauna-unahang showbiz personality na nasangkot sa ganoong klase ng eskandalo. Naranasan ’yan nina Katrina Halili at Maricar Reyes noong 2009 pero naka-recover na ang dalawa at nakatagpo pa ng mga ka-partner na tunay na nagmamahal sa kanila.

David hindi malilimutan ang GenSan

Unforgettable sa child star na si David Remo ang show ng Binoy Henyo stars sa General Santos City noong Sabado.

Memorable dahil for the first time ay naranasan ni David na makasakay sa eroplano. Tuwang-tuwa ang bagets dahil kasama nito sa first plane ride ang kanyang Mommy Agnes, si Sheena Halili na gumaganap bilang madir niya sa Binoy Henyo.                                             

Cesar balik-trabaho

Nagsimula nang mag-promote ang mga artista ng Akin Pa Rin ang Bukas kahit hindi pa tiyak kung kailan ang airing ng kanilang primetime drama series sa GMA 7.

Nagpunta kahapon sa Davao City sina Rocco Nacino, Solenn Heussaff, Lovi Poe, at Cesar Mon­tano para sa Kadayawan Festival.

Nagkaroon sila ng mall show para i-remind sa mga kababayan natin ang kanilang coming soon program sa Kapuso Network.

Kuh patok pa sa bagong henerasyon

Ang sosyal ni Kuh Ledesma dahil walang mag-aakala na magi­ging isang hit song ang kanyang lumang kanta, ang One More Try na official theme song ng My Husband’s Lover.

Hit song noong dekada 80 ang One More Try at walang mag-aakala na muli itong magugustuhan ng bagong generation na sumusubaybay sa My Husband’s Lover.

Live na kinanta kahapon ni Kuh ang One More Try sa Sunday All Stars ng GMA 7. Mas maganda at madamdamin ang version ni Kuh sa kanyang old hit song. Successful ang One More Try ni Kuh sa eksena na ma-appreciate ng publiko ang My Husband’s Lover theme song.

Juday may malalim na sugat

Na-cut short ang teleserye ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN, ang Huwag Ka Lang Mawawala na biglang mawawala sa ere.

Nag-sorry si Juday sa fans na na-hurt dahil sa kanyang desisyon na tapusin ang drama series pero walang nagsasabi sa tunay na rason.

Parang ang lalim-lalim ng dahilan dahil sa mga interview kay Juday, napapaluha siya at humihingi ng sorry.

Aktres na nagbigay ng birthday gift, hinati pa sa dalawa

May mga nag-react sa litrato na inilagay ng isang reporter sa social media. Litrato ng sobre ng birthday gift na natanggap ng reporter mula sa aktres ang na-sight sa social media.

May personal dedication ang aktres sa sobre pero may mga nagtaka dahil ka-share sa birthday gift ang kanyang equally controversial lawyer.

                                     

vuukle comment

BINOY HENYO

JUDAY

KUH

MY HUSBAND

NERI

ONE MORE TRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with