^

Pang Movies

Sharon mas kailangan ang pelikula kesa sa TV show

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Palagay namin, ang kailangan talaga ni Sharon Cuneta sa ngayon ay isang matinding film project. Iyon ang sa tingin namin ay mas makakapagpaa­ngat pa sa kanyang popularidad kaysa sa mga TV show na kanyang ginagawa. 

Tingnan ninyo ang pelikula ni Gov. Vilma Santos na Ekstra: The Bit Player, nanalo siya ng award, kumikita ng malaki, nagkaroon na ng world premiere sa Toronto, Canada at maraming film distributors sa abroad na interesadong kunin ang kanyang kauna-unahang indie film for commercial release. 

Kung sa Star For All Seasons ay nakatiyempo ng gano’n kagandang project, bakit hindi nila magawa iyon sa Megastar?

Ang mga pelikula ni Sharon na talagang up ay iyong mga huling nagawa niya sa Star Cinema. Hindi ba doon pa nga siya nanalo ng grand slam para sa Madrasta? Ang mga pinakamalalaki niyang blockbusters ay iyong ginawa niya sa Viva Films dati pa. Aminin na natin ang totoo na ang pinakamalaking hit na nagawa ng Megastar ay iyong pelikula nila ni Robin Padilla, na hanggang ngayon ay siyang may hawak ng record bilang may pinakamaraming audience. Ang box office ay batay iyon sa kita. Ngayong mataas na ang admission prices ng sinehan, natural mas mataas ngayon ang kita. Pero sa rami ng attendance sa sinehan, record holder pa rin si Sharon.

Tingnan nga ninyo na mismong si Vi ang uma­min na iyong kanyang Sister Stella L ay pina­luhod ng pelikula ni Sharon na Bukas Luluhod ang mga Tala kasi ang hinahanap ng mga tao ay commercial o mainstream drama.

Ang ganoong klaseng genre ng pelikula ang kailangan nilang ipagawa kay Sharon at kalimutan na rin sinasabing balik-tambalan nila ni Gabby Concepcion.

Annabelle tinitira habang nakabakasyon pa

Kung kailan naman wala sa bansa si Anna­belle Rama at nagbabakasyon sa abroad at saka naman naglalabasan ang controversy.

Si­na­mantala rin naman kasi ni Annabelle ang pagkakataon, walang ginagawang assign­ment si Richard matapos na hindi na iyon mag-renew ng kontrata sa GMA 7, at si Ruffa Gu­tier­rez naman ay nag-aaral sa London, England. Wala siyang masyadong kailangang gawin kaya nagbakasyon siya.

Ngayon naman ay pilit na pinalalabas na may bago na naman siyang apo dahil nanganak na raw si Sarah Lahbati at siyempre ang sinasa­bing tatay ng bata ay si Richard. ’Tapos sinabayan pa iyon ng demandang iniharap sa kanya ng isa niyang kaanak na nagsabing binayaran daw niya ng bouncing checks.

May mga sagot na si Annabelle na pinalabas niya sa kanyang social networking account pero siguro nga mas mabuting sagutin niya ang mga iyon sa korte. Bumulaga ang mga nasa­bing isyu pagkabalik niya ng bansa.

Aktres nagdurusa sa hindi matapus-tapos na kuwento sa baklang nakarelasyon

Hindi pa rin pala matapus-tapos ang kuwento ng isang aktres na natanso ng isang aktor na bading. Kasalanan naman niya eh, from the start sinabi na sa kanyang bakla iyon, hindi siya naniwala.

 

vuukle comment

ANNABELLE

BIT PLAYER

BUKAS LULUHOD

GABBY CONCEPCION

IYON

MEGASTAR

NAMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with