Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Reporter ng TV Patrol may relasyon sa Miami head coach na si Erick Spoelstra?!

Ano nga kaya ang dapat abangan, Salve A., between a high-profile TV Patrol-er at Miami Heat head coach Erick Spoelstra, who is half-Filipino pala?

Matanong nga ang mga TV Patrol host na sina Korina Sanchez, Ted Failon, at Noli de Castro. And, of course, TV Patrol entertainment head na si Mario Dumaual.

Angel sinusundan si Sen. Loren

What do Sen. Loren Legarda and Angel Locsin have in common?

Well, dati palang endorser ng Happee toothpaste si Sen. Loren. Current endorser naman ng nabanggit si Angel.

Wonder if like Loren, Angel would turn politician, too in the future?

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Odette Khan hinanap kay Angel ang dating manliligaw

Speaking of Angel Locsin, kasama pala niya sa kanyang upcoming soap na Hanggang Kailan Kita Mamahalin ang character actress na si Odette Khan.

Ayon kay Odette, nabanggit niya kay Angel na noong kanyang kabataan, may manliligaw siyang Colmenares din ang surname. Nalaman daw kasi ng beteranang aktres na ang tunay na name ni Angel ay Angelica Colmenares.

Sinabi raw ni Angel na kilala nga niya ang pangalang binanggit sa kanya ni Odette.

Isa lang si Odette sa maraming members ng cast ng Hanggang Kailan… na ang magdidirek ay sina Rory Quintos at Dado Lumibao. In starring roles, too, are Christopher de Leon, Mark Gil, Rio Locsin, Maja Salvador, at Jericho Rosales.

Kasama rin si Joem Bascom, Allan Villalon, Maria Isabel Lopez, Leo Rialf, Richard Cepeda, at Bernard Palanca, among others.

Rio Locsin hindi kamag-anak ni Angel kahit pareho ang apelyido

Call it mere coincidence, ayon pa kay Angel.

If dito sa Hanggang Kailan…, she has Rio Locsin for her mom, sa kanyang comedy-romance weekly series na Toda Max ang gumaganap naman na kanyang ama ay si Al Tantay, former husband ni Rio.

Siyempre walang relasyon sa isa’t isa sina Angel at Rio kahit pa they are both surnamed Locsin. Screen surname lang nila itong dalawa.

Robin itinangging inabandona ang pagpapatawa

Now, speaking of Toda Max naman, ’di pa naman pala completely, wika nga, ‘‘inaabandona’’ ito ni Robin Padilla. Malaki pa raw ang posibilidad na babalikan niya ang show, if siguro he will still be welcomed.

Na feeling ko naman ay ‘‘oo,’’ if ever.

Nabanggit ni Robin, na ayos naman ang ginawa niyang pagpapaalam to temporarily leave the show. Mismong si Cory Vidanes, head of entertainment ng ABS-CBN, daw ang pinagpaalaman niya. Right at this moment daw kasi ay tatlu-tatlong movie ang kasalukuyan niyang ginagawa, kasama na ang Me­tro Manila Film Festival (MMFF) entry na 10,000 Hours, kung saan kasama niya sina Michael de Mesa at Bella Padilla na sinasabing kamag-anak niya.

Si Bb. Joyce Bernal ang director ng pelikula na alam nating may offer din sana to direct the MMFF entry Torky and My Little Bossing starring Vic Sotto and Kris Aquino and introducing child performers Bimby Yap at Ryzza Mae Dizon.

Ruling pala sa MMFF na walang direktor na ia-allow na magkaroon ng two entries. At dahil nga nauna raw, ayon kay Direk Joyce, na tinanggap niya ang offer ng Philippine Film Studio, Inc., pinili niyang idirek ang 10,000 Hours.

Na naintindihan naman obviously ng OctoArts Films, M-Zet TV Production, APT Entertainment, Inc. at Kris Aquino Productions, producers ng Torky and My Little Bossing.

Bimby at Ryzza Mae magkakaproblema sa billing

Just asking, Salve A., ’di kaya magkaroon ng prob­lema ang everyone behind the production ng Torky… tungkol sa magiging billing ng dalawang bagets? After all, bagama’t naunang mag-artista si Bimby at nagkaroon ng endorsements, si Ryzza Mae naman is star of her own TV show na The Ryzza Mae Show, bukod pa sa regular host siya ng popular noontime show na Eat Bulaga.

In the case of Bimby, sa mga show lamang ng kanyang Mommy Kris niya siya lumalabas.

Tingnan mo nga ’yan, Salve A., magkakaintrigahan ang dalawng bagets at sa iyong page rito sa PM nagsimula. (Ay, may ganyan agad. Hahaha! – SVA)

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: