Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nadiskubre sa The Voice Lea hindi pang-masa ang projection

Hindi pinalagpas ni Lea Salonga ang kanyang haters at bashers sa social media na Twitter dahil diumano sa pagiging  overacting bilang isa sa mga coach sa The Voice of the Philippines ng ABS-CBN 2.

Sa isang tweet kamakailan ng Tony Award-winning singer-actress, sinabi niyang “Haters are always going to hate.”

Hindi lang daw nagustuhan nito ay ang tina-tag pa siya sa mga comment sa kanya.

Samantala, ni-review ng veteran journalist  na si Inday Espina-Varona ang dalawang episode ng The Voice of the Philippines at  ito ang kanyang naging obserbasyon kay Lea:

“Lea’s TV projection helps explains her frustration at not being able to win over Filipino showbiz patrons.

“She’s wrong in saying Pinoys don’t appreciate her voice. But what can stun a theater audience comes out a tad too loud and OA on the boob tube. Something’s just lost in the transmission.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Speaking of Lea, I finally get why she seemed so awkward in the opening show’s grand performance or even when she’s trying to show us she’s a gal who can jive. She ain’t got rhythm. It’s as simple as that.

“She can’t dance to save her life. She’s a musical genius, a singer with a voice of exceptional purity and a theater artist idolized in West End and Broadway.

“But Lea sways and grinds to a count only she can hear.”

Jake nagsalita na sa paglayas

Sobrang nagulat si Bea Binene dahil siya ang tinuturong dahilan kung bakit biglang nawala si Jake Vargas. Ilang tao na raw ang naghanap at hindi nila matunton kung saan nagpunta ang young actor. Nagpatay pa kasi ito ng cell phone at walang nakakaalam kung saan ito nagpunta.

May nakapagsabi na nag-away daw sila ni Bea kaya biglang nagtago itong si Jake at nagpalipas ng sama ng loob.

Pero noong bigla ngang nagparamdam na ang binata, sinabi nito na nagpahinga lang siya dahil masyado lang siyang napagod sa sunud-sunod na trabaho.

Pumunta lang si Jake sa bahay ng kanyang kaibigan at doon nagpahinga. Inamin niya ang pagpatay ng kayang cell phone para hindi siya ma-stress sa mga tawag at text sa kanya.

Isa kasi sa sobrang nag-alala ay ang kanyang manager at mentor na si German “Kuya Germs” Moreno.

Tungkol naman sa naging away nila ni Bea, pinabulaanan ito ni Jake. Wala raw kinalaman si Bea sa bigla niyang pagkawala.

Charlie naimbyerna sa co-star na mareklamo, ipinatsutsugi na lang sa produ

Hindi na naman mapigilan ang pagwawala ng Hollywood actor na si Charlie Sheen sa set ng kanyang TV show na Anger Management. Nagbanta siyang mag-quit sa show kung hindi tatanggalin sa show ang aktres na si Selma Blair.

Ayon sa kuwento na nasagap ng TMZ, may naka­rating kay Sheen na maraming reklamo si Blair tungkol sa show at kinukuwestiyon pa ang kanyang work ethics.

Agad ngang sinabihan ni Sheen ang kanyang pro­ducers na tanggalin na si Blair or else siya ang mawawala sa show.

Hindi puwedeng mawala si Sheen sa show dahil naka-set nang makumpleto ang 100 episodes ng Anger Management. Mag-stay man o hindi si Sheen, babayaran pa rin siya between $75 to $200 million at hindi pa kasama roon ang syndication ng mga maipapalabas na episodes ng show in the future.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: