^

Pang Movies

Juday nanghihinayang sa gagastusin sa annulment

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Madam Curie talaga si Judy Ann Santos. Kinukulit kasi siya sa chismax na muntik nang humantong sa annulment ang maligayang pagsasama nila ni Ryan Agoncillo.

Sabay sa pagkaila, dinagdag pa ni Juday, “Ang mahal mahal magpa-annul.” Sa mga top earning stars tulad niya, patuka lang sa manok ang gastos sa annulment. Heto si Juday at manghihinayang pa!

Bida sa Iloilo may chance maging international star

Nagwagi ng top prize (Best Film) sa 66th Cannes International Film Festival ang Iloilo. Gawa ito sa Singapore ng isang bagong Singaporean director, hindi ng isang Ilonggo.

Ang isa sa bida ng Iloilo ay ang Pinay na si Angeli Bayani. Ang napiling istorya nang nagwaging pelikula ay tungkol sa isang yayang Pinay (played by Bayani), na napamahal sa kanyang alagang Singa­porean.

After nagwagi, hindi na nagtatanong ang ibang international celebrities na dumalo sa Cannes ng “Cynthia” o sino siya, tuwing nakikitang rumarampa ang maliit na aktres. Alam na nila na siya ang bida sa top winner na Iloilo.

Sa Cannes filmfest nakikita ang pinakamalawak na film market every year. Kaya kapag tunay na world class ang pelikulang ipinalabas sa division na ito ng most prestigious film gathering, malamang na mabili ang worldwide distribution rights ng malalaking kompanya.

Ito ang nangyari sa On the Job ni Erik Matti at bida sina Joel Torre, Piolo Pascual, Gerald Anderson, at Rayver Cruz. Ang distributor ng Pinoy film ay ang Well Go USA Entertainment. Tiyak na mapapanood ang On the Job sa malalaking venue all over the USA.

Tiyak na ganito rin ang magiging suwerte ng Norte: Hangganan ng Kasaysayan at Death March.

Ang aktres na si Angeli Bayani, posibleng maging international star. Baka magwagi pa siyang best actress sa annual Singapore Film Award.

Staff ng isang show nagulat sa biglang pagbait ng aktres

Natutong magdasal ng taimtim ang staff ng isang TV show nang malaman nila na ang ipapalit sa dating star ng show ay ang aktres na feeling diva. Mahirap pakibagayan ang artista, kaya’t nightmare sa kanila ang makasama siya sa isang show.

Nahuli na ang kanilang mga dasal, dahil nagkapirmahan na at nagsimula nang magtrabaho ang aktres. Laking gulat nila na tila sweet and considerate ang kinatatakutang diva. Baka naman sa umpisa lang ito. Maghintay-hintay lang kayo. Baka mas higit na pasabog ang kanyang drama sa mga susunod na linggo.

Vice Ganda marami pang lalaitin pag nagkaroon ng repeat ang concert

Kailangang magkaroon ng repeat date ang show ni Vice Ganda. Matagal na kasing natapos ito, saka pa naglalabasan ang mga reklamo at batikos kay Tabs (as tabingi). Kesyo nilait at nainsulto si Jessica Soho at mga tulad na overweight ng respected broadcast journalist.

Siyempre galing lahat sa GMA 7 ang batikos. Offended sila sa ginawang kabastusan laban kay Soho, na isang multi-awarded at well-respected journalist.

Kung magkakaroon ng return engagement ang concert ni Tabs, baka higit na marami ang manood. Abangan nila ang mga panlalait at baka may bago pang pakakawalan si Tabs sa repeat show.

Marian at Karylle tinuldukan na ang iringan

Nagkangitian sina Marian Rivera at Karylle nang magtama ang mga eyes sa isang fashion show. Say ni Marian, hindi naman sila magkaaway ni Karylle. Nagkataon lang na naging boyfriend niya si Dingdong Dantes, na matagal na naging steady ng singer/actress bago napunta sa iba.

Kay Karylle naman, wala siyang tinanim na sama ng loob against Marian. Para sa kanya, life goes on at nangyayari ang break-up kahit kaninong relasyon.

Daniel pa-humble pag tinatanong tungkol kay John Lloyd

Pa-humble pa si Daniel Padilla nang tanungin kung expected niya na magiging higit na sikat sa tandem nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang kanilang love team ni Kathryn Bernardo. Ang sagot niya, “Huwag naman po sana tayong mag-isip ng ganyan.”

Direct translation sa pahayag ni Daniel: “Siyempre po naman at tiyak na mahihigitan pa namin sila.” Well, masarap lang mag-imagine.

vuukle comment

ANGELI BAYANI

BEA ALONZO

ILOILO

ISANG

KARYLLE

ON THE JOB

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with