^

Pang Movies

Knows ng buong mundo ang kanyang tunay na sexual preference dahil sa pagbabago niya ng anyo, kilos, at pananamit pag-amin sa pagiging tomboyita ni Charice hindi

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi na big news ang admission ni Charice na tomboyita siya ‘no! Nakumpirma lang ang mga duda na tomboy si Charice nang aminin nito ang the truth and nothing but the truth.

Kahit hindi umamin si Charice, knows ng buong mundo ang kanyang tunay na sexual prefe­rence dahil sa pagbabago niya ng anyo, kilos, at pananamit.

Hindi shocking ang pag-amin ni Cha­rice dahil naunahan na siya nina Aiza Seguerra at BB Gandanghari. Sa una lang mabibigla ang mga tao dahil eventually, matatanggap nila ang tunay na pagkatao ni Charice at ang talent nito sa pagkanta ang mangingibabaw. Ewan lang natin kung magiging international singer pa rin si Charice dahil hindi na siya alaga nina Oprah Winfrey at David Foster.

AIAI permanent protection order na isinampa sa dating asawa

Nag-file na pala si AiAi delas Alas ng Temporary and Permanent Protection Order laban kay Jed Salang.
Isinampa ni AiAi ang TPO sa Quezon City Regional Trial Court. Hiningi ni AiAi ang tulong ng korte para magkaroon siya ng proteksiyon sa puwedeng gawin ng kanyang dyowa na tumang­gi na magpainterbyu pero active uli sa Instagram.

Napilitan si AiAi na mag-apply ng TPO dahil ayaw na niya na makatikim ng physical, mental, at emotional abuse mula sa kanyang asawa. Aalamin ko pa ang complete details ng affidavit ni AiAi na hindi na rin makontak dahil nagpalit uli ng contact number para hindi na siya mabulabog ni Jed.

Oprah hinihingan ng reaction

May mga reporter na nagpadala ng email kay Oprah para sa reaksyon nito sa desisyon ni Charice na aminin ang pagiging tivoli.

Napaka-busy yata ni Oprah para patulan pa nito ang isyu. Hindi ang tipo ni Oprah ang magugulat sa bagong anyo ni Charice dahil sa tagal niya sa showbiz, sanay na siya sa mga intriga at kontrobersiya.

Sangkatutak din ang mga cele­brity sa Amerika na umamin na bading at tomboy sila. Walang reason para mabigla si Oprah sa bagong personality ni Charice.

Barbie biglang nagmukhang bata uli

Nakita ko kahapon si Barbie For­teza sa parlor ni Bambbi Fuentes sa Timog Avenue. Nagpa-makeup si Bar­bie kay Bambbi dahil dadalo siya sa presscon ng Anna Karenina na ginanap kagabi sa Imperial Palace Suites.

Si Barbie ang gaganap na Karen sa TV remake ng Anna Karenina na ibabalik ng GMA 7 sa ere.

Tumagal din ng maraming taon ang original Anna Karenina na pinagbidahan noon nina Sun­shine Dizon, Antoinette Taus at Kim delos San­tos. Alam natin na maigsi na lang ang buhay ng mga teleserye dahil nagbago na ang panlasa ng televiewers.

Nakadepende na rin sa ratings ang buhay ng mga teleserye ngayon, original man o remake.

Bagets ang itsura ni Barbie nang ma-sight ko siya kahapon sa parlor ni Bambbi. Hindi siya mukhang matanda tulad ng obserbasyon ng ibang tao na bothered dahil parang minamadali raw ni Barbie ang pagdadalaga.

Baka may nagsabi kay Barbie na mas maganda ito kapag nagbibihis siya ng akma sa kanyang edad.

                                  

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ANNA KARENINA

BARBIE

CHARICE

DAHIL

OPRAH

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with