^

Pang Movies

Pekeng Judy Ann buking sa maling grammar nang mag-Ingles

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nabuking na may poser sa Instagram si Judy Ann Santos dahil sa kanyang maling English grammar.

Maniniwala na sana ang fans ni Juday na ito talaga ang may-ari ng Instagram account pero nabuking na may impostora siya dahil sa palpak na English grammar. Eh mahusay mag-Ingles si Judy Ann kaya nabawasan ang followers ng poser. Na-prove nila na may gumagamit lamang sa name at pictures ng kanilang idol.

Heart ’di nag-iisa, maraming kumakampanyang mga artista NA hindi botante

Hindi nag-iisa si Heart Evangelista. Marami ang artista na malakas ang loob na mag-endorse ng mga kandidato pero hindi naman mga botante.

Pumapayag ang mga artista na non-voter na mangampanya dahil sa bonggang talent fee. Hindi naman nila akalain na mabubuking na hindi sila mga registered voter at magiging dahilan para mawala ang kanilang mga credibi­lity.

May palusot naman ang mga nabuko na artista. Hindi naman daw sila nagsasabi na iboto si ganito o ganireng kandidato. Kumakanta at sumasayaw lamang sila sa stage para ma-entertain ang audience.

Nancy hindi lumaban kay Vice

Early bird si Nancy Binay sa presscon ni Mother Lily Monteverde para sa kanya. Si Bibeth Orteza ang kausap ko nang dumating si Nancy na nakipagkuwentuhan sa amin.

Sayang dahil off the record ang karamihan sa mga pinag-usapan namin ni Nancy. At least, may idea na ako ngayon kung bakit hindi siya iboboto ni Vice Ganda na hindi naman makakaapekto sa senatorial candidacy ni Nancy dahil at the end of the day ay isang boto lamang siya kumpara sa milyun-milyong supporters ng anak ni Vice President Jojo Binay.

Likas na mabuting tao si Nancy. Naram­daman ko ang kabutihan at sincerity niya sa aming tsikahan portion. Never ko na narinig si Nancy na nanira ng kapwa. Wala rin siyang masamang sinabi laban kay Vice Ganda at sa kanyang detractors na inis-talo dahil affected na affected sila sa mataas na rating kay Nancy sa lahat ng surveys.

Dabarkads suportado si Sen. Gringo

Suportado ng Eat Bulaga ang reelection ni Sen. Gringo Honasan na good friend ni Sen. Tito Sotto.

Sa tuwing nanonood ako ng Eat Bulaga, napapanood ko ang TV ad ni Sen. Gringo na ma­linaw na proof na suportado siya ng Dabarkads at ng TAPE, Inc., ang producer ng Eat Bulaga.

Sina Ciara Sotto at Iza Calzado ang mga favorite actress ni Sen. Gringo. Kung sakaling isapelikula ang life story ni Sen. Gringo, tiniyak niya na kasali sa cast sina Ciara at Iza.


 

vuukle comment

DABARKADS

EAT BULAGA

GRINGO HONASAN

HEART EVANGELISTA

INSTAGRAM

NANCY

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with