^

Pang Movies

Mario Maurer in love kay Cacai Bautista, nag-date pa sa Bangkok

- Vinia Vivar - Pang-masa

Last Sunday sa The Buzz ay ibinuking ni Boy Abunda na may maganda talagang pagtitinginan na nagaganap sa komedyanang Cacai Bautista at sa Thai heartthrob na si Mario Maurer.

Nakasama ni Cacai si Mario nang gumawa ng movie ang Thai actor dito sa bansa with Erich Gon­zalez, ang Suddently It’s Ma­gic, at sa totoo lang noon pa ay makikita na talagang natutuwa ang guwapong aktor sa komedyana.

Pero heto na nga ang latest, nag-break na pala si Mario at ang kan­yang girlfriend of eight years at nang magpunta nga si Cacai sa Thailand recently ay nabalitang nag-dinner sila ng Thai actor.

Kinumpirma naman ito ni Cacai sa mensahe niya sa The Buzz pero wala namang nagaganap na kung anuman at kumain lang daw sila.

Pero ang kuwento nga ni Kuya Boy, ayon daw sa kanyang reliable source, sobrang excited daw ni Mario nang tumawag si Cacai kaya kahit gaano siya ka-busy ay pumunta ito sa restaurant.

Kuwento pa ni Kuya Boy, pinauna pa raw ni Mario ang manager nito at dumating ang aktor na naka-motor, pawisan, at nagmamadali.

Pero ang balita, medyo disappointed si Mario dahil akala niya ay sila lang dalawa ni Cacai ang magdi-dinner at hindi nito alam na may kasama palang friends ang komedyana. Nakakatuwa, huh! Ang haba ng hair ni Cacai!

Eula nakakontrata na sa TV5, dyowang bagets makakatrabaho

Official Kapatid na si Eula Valdez dahil kapipirma lang niya ng one-year exclusive contract sa TV5 at ang una nga niyang gagawin ay ang Cassandra: Warrior Angel with Gabby Concepcion and Eula Caballero.

Bago tanggapin ni Eula ang offer ng TV5 ay nasa ABS-CBN ang aktres at katatapos lamang gumawa ng serye. Kaya naman aniya ay nagpaalam siya nang maayos sa Kapamilya Network at pinayagan naman siya.

May ini-offer sa kanyang napakagandang project ang ABS-CBN pero nagkataon namang naka-oo na ang manager niyang si Ricky Gallardo sa Kapatid.

Ayon kay Eula, ang remake ng Dugong Buhay ang offer ng ABS-CBN at aminado siyang nanghinayang siya sa proyekto.

“Hindi ko alam kung official o ano pero kasi tumawag at nakausap ko ang direktor ng Dugong Buhay. Nasayangan din ako kasi first movie ko sa Viva, Dugong Buhay. Thirteen, fourteen ako noon. Siyempre, nasayangan din, ako, ’di ba?,” pahayag ni Eula.

Ang nakakatuwa, makakasama ni Eula, si Cassandra, ang kanyang real-life boyfriend na si Rocky Salumbides. Pero nilinaw niyang wala siyang kinalaman sa pagkaka-cast sa BF.

First time nilang magkakasama sa project at natuwa rin naman si Eula na pumayag din ang boyfriend na gawin ito kasi half-hearted nga ito sa pag-aartista.

 

 

vuukle comment

BOY ABUNDA

CACAI

CACAI BAUTISTA

DUGONG BUHAY

ERICH GON

EULA

KUYA BOY

MARIO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with