^

Pang Movies

Mala-Adonis na katawan naglaho na: Jomari pinabayaan na ang sarili

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami ang naka-miss sa dating katawan ni Jomari Yllana dahil sa kanyang paglabas sa epic telefantasya na Indio ng GMA 7 ay kitang-kita na pinabayaan na niya ang dating magandang hubog ng katawan.

Si Jomari ang kauna-unahan na male endorser ng Bench Underwear noong una pa lang itong ni-launch 12 years ago. Walang takot na mag-pictorial noon si Jomari na suot ay iba’t ibang underwear. Tinanghal pa si Jomari noon na pinaka-sexy na male celebrity noong mga panahon na iyon.

Hinangaan ang aktor noon dahil sa magandang pangangatawan nito. Hindi pa uso ang magkaroon ng six-pack abs noon pero meron nang ganun si Jomari.

Kaya sunud-sunod ang naging sexy pictorials ni Jomari dahil close to perfection ang mala-adonis niyang katawan.

Pero ngayon, pagkatapos ng maraming taon, ay hindi napangalagaan ni Jomari ang kanyang sarili.

Kitang-kita sa Indio ang malaking tiyan niya. Patunay lang na hindi na nakakapag-workout ng matagal ang aktor.

Tuloy naikumpara siya sa kasabayan nitong si Mark Anthony Fernandez. Maganda ang katawan ni Mark dahil panay ang workout nito at pinaghahandaan ang kanyang bagong gagawin na series para sa GMA 7 kung saan makakasama niya si Camille Prats.

Kung magkita man lang sana ang dalawa, tama lang siguro na payuhan ni Mark si Jomari na pagtuunan nito ng pansin ang kanyang pisikal na kaanyuhan.

Si Mark kasi kahit marami nang mga bagong artista, kinukuha pa rin siya bilang leading man. ’Yun ay dahil alaga ni Mark ang kanyang katawan, mukha, at taglay pa rin niya ang kahusayan sa pag-arte.

Si Jomari naman ay guwapo pa rin naman pero kailangan ng matinding pagtutok sa kanyang katawan para bumalik sa dating porma. Kung magagawa niya iyon, malamang na kunin pa rin siyang leading man ngayon.

Isabel nagpapasalamat sa Diyos na hindi nakatuluyan si Paolo

Walang maiko-comment si Isabel Oli sa nangyaring paghihiwalay nina Paolo Contis at Lian Paz dahil wala naman daw siyang pakialam na sa kanyang naging ex-boyfriend noong biglang maghiwalay sila.

Naaawa lang si Isabel kay Lian dahil dalawa nga ang mga anak nito kay Paolo at dasal lang niya na makaahon ito para sa kanilang mga anak.

 â€œAlam naman ng lahat na after ng relasyon namin ni Paolo, hindi ko na siya pinag-usapan pa kasi nag-move on ako kaagad. Wala naman reason para maging malungkot ako ng matagal.

“Naaawa lang ako sa mga anak nila. Sana lang maging maayos ang paglaki ng mga bata,” diin ni Isabel.

Marami nga ang nagsasabi na mabuti at hindi sila nagkatuluyan ni Paolo kundi magiging problema pa niya ang mga issue ng aktor tulad nang marami raw nitong utang at naging bisyo ang pagsusugal.

 â€œNoong kami naman ni Paolo, wala siyang ganyang issues eh. Nagulat lang ako sa mga balita. Sana ay hindi iyon totoo.

 â€œKung hindi man kami nagkatuluyan ni Paolo, maybe we weren’t meant to be. Nasa plano na iyon ng Diyos para sa amin,” tanging nasabi ng Kapuso actress-TV host.

Walang love life si Isabel ngayon at ‘yung pagkaka-link niya kay James Yap ay natigil na rin.

 â€œSalamat naman at natapos na rin iyon. Iniwan ko na noong 2012 yon. Pero magkaibigan pa rin naman kami. Though hindi na kami nagkikita tulad dati. Naging busy na rin ako which is good dahil maganda ang pasok ng 2013 for me,” ngiti niya.

Kasama kasi si Isabel sa bagong afternoon series ng GMA 7 na Forever. Bukod doon ay meron pa siyang Day-Off at Sports Pilipinas sa GMA News TV.

Last year kasi ay sobrang naging pagsubok ni Isabel. Sumakabilang-buhay ang kanyang ama, ninakawan ang bahay nila ng kanilang katulong, at nabangga pa ang bagong bili niyang sasakyan.

Kaya gusto ngang bumawi ni Isabel sa taong ito na puro positive naman.

 

vuukle comment

DAHIL

ISABEL

JOMARI

KANYANG

LANG

NAMAN

NIYA

SI JOMARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with