^

Pang Movies

Legal wife ipinaubaya na ang asawa sa ‘special friend’

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naospital pala ang asawa ng isang kilalang personalidad bago ang New Year. Inayos naman niya ang kalagayan ng asawa pero hindi niya kinaya ang magbantay dahil sa rami nang ginagawa.

Kaya naman pinakiusapan ng personalidad ang isa sa manugang niya upang tawagan ang special friend ng asawa. Hiwalay na rin kasi ang special  friend sa asawa nito kaya alam ng personalidad na meron pa silang ugnayan ng asawa.

Tanggap na rin ng personalidad ang sitwasyon ng asawa at special friend niya. Pero sa halip na pairalin ang pagiging legal na kabiyak, mas pinili niyang maging tahimik na lang sa sitwasyon upang maibigay ang gusto ng asawa.

Eleksiyon na ang nasa utak Annabelle wala munang planong tanggalin sa GMA 7 ang mga alaga

Ilang buwan lang palang kino-manage ni Annabelle Rama si Sarah Lahbati dahil na rin sa pakiusap ng ina. Inayos ng Gutierrez matriarch ang schedules ng girlfriend ng anak na si Richard kaya naman walang naging problema sa shooting ng Seduction except nung hindi pa niya hawak ang young actress.

Pero sa pakiusap ng isang bigating tao, binitawan rin ni Tita Annabelle si Sarah. Basta GMA Artist Center lang daw ang tanging hahawak sa kanya.

Kahit busy kasi sa pangangampanya sa Cebu bilang congresswoman, hindi pa rin niya napapabayaan ang kanyang mga alaga. Pero sa tsismis na ililipat niya ang lahat ng talents niya sa ibang network na nasa Kapuso, tugon niya, “May kontrata pa sila. Hindi muna ’yon ang nasa utak ko kundi ang eleksiyon!”

Hindi pa man kasi pormal na nagsisimula ang kampanyahan para sa local officials, ilang buwan na ring umiikot sa distrito sa Cebu na kakandidatuhan si Tita Annabelle upang malaman ang problema ng bawat barangay.

Drama series ni Juday lumabo ang kapalaran dahil sa actor na hindi makaarte

Lumalabo na naman ang bagong drama series ni Judy Ann Santos. May mga episode nang na-tape para sa initial episodes pero mukhang mababasura na lang mga ito dahil may papalitan na cast.

Nagtataka kasi ang production kung bakit naging bano sa pag-arte ang isa sa cast. Eh ilang beses na siyang nagbida sa mga teleserye pero sa mga eksenang kinukunan, hirap na hirap ang isa sa kanilang cast.

Kaya hold na naman ang telecast date ng serye na ito ni Juday dahil ibabasura ang eksenang kasama ang sisibaking cast.

 

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

ARTIST CENTER

ASAWA

CEBU

INAYOS

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

NIYA

PERO

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with