^

Pang Movies

Aktres na dating maldita sa ina, tinuruang maging mabait ng sariling anak

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bawing-bawi na ang senior actress sa mga pangit na bagay na ginawa sa ina during her younger days at nagsisimula pa lang mag-artista. Ginawa niyang dyulalay ang madir niya. Sixteen pa lang siya that time kaya kailangan niya ang support ng ina.

Barumbada si young girl. One time nga ay binato niya ng buto ng manggang hinog si Inay dahil ’di makita ’yung continuation na damit sa shooting na isusuot niya ulit.

Those were the days. Lab na lab niya ang ina ngayon at never na inutusan. Ang nagturo pala sa kanya ng pagmamahal sa magulang ay ang sariling anak niya. Beh!

Show ni Derek tinatadtad ng maraming helicopter

Grabe ang start ng The Amazing Race Philippines ng TV5. Ito pala ’yung pasabog kuno ng network at ng hunk actor na si Derek Ramsay na sa laki ng mga nakakalulang ginamit na panggulat ng show sa naghihintay na homeviewers, ito na marahil ang pinakamagastos ng reality adventure show sa TV.

May 11 or 12 helicopters lang naman ang mistulang mga ibon na palipad-lipad lulan ang 11 pares na team na hinatid sa Paco Park Manila sa pagsisimula ng programa.

Pero ’di kaya bitin sa oras dahil 30 minutes lang itong eere at tiyak ’di kakayanin na ipakita na babad sila sa camera? Panoorin na lang natin mula Lunes hanggang Biyernes kasunod ng Wiltime Big Time.

LT never nabitin at nakulangan ng suweldo

Ibang-iba ang aura ngayon ni Lorna Tolentino. Ang ganda niya. May nagpapaganda kaya?

Babu na si LT sa Kapatid Network nang matapos niya ang one-year contract pero walang masamang salita at satisfied ang aktres dahil magaganda naman ang project na ginawa niya. Ang latest pa nga ay ang Third Eye.

Tsika nga ni Lolit Solis na manager niya, wala kahit na katiting na problema sa mga taga-TV5. Puro mababait at professional ang mga kausap nila. At higit sa lahat, sa TF ng alaga niya ay walang kulang at on time ang bigay.

Mga anak ng magkapatid na pumatay sa UST cum laude dadalhin ang trauma paglaki

Awang-awa ako sa 20-year-old cum laude ng University of Sto. Tomas na pinatay ng magkapatid na adik sa Brgy. Molino, Cavite. Sakop kasi ito ni Mayor Strike Revilla na lugar din namin.

Sa magulang kasi ay walang kasing sakit ang mamatayan ng anak na wala pang kuwenta ang pagkamatay.

Pero naawa rin ako sa pamilya ng magkapatid na kriminal. Magiging tampulan sila ng pagkutya ng mga taong nakakakilala sa kanila. At ang mga anak nila, hanggang sa paglaki, ang tingin sa kanila ay kriminal talaga. Huwag na lang sanang ma-trauma ang mga anak nila.

vuukle comment

AMAZING RACE PHILIPPINES

DEREK RAMSAY

KAPATID NETWORK

LOLIT SOLIS

LORNA TOLENTINO

MAYOR STRIKE REVILLA

NIYA

PACO PARK MANILA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with