^

Pang Movies

Mga anak ni Ruffa nagbebenta ng magagarang damit para makatulong sa charity at makabakasyon sa abroad

SHOWBIZ UPDATE - Pang-masa

Parehong naiyak sina Ruffa Gutierrez and her mom Annabelle Rama during the open forum for Lorin and Venice Gutierrez-Bektas, in connection sa paglo-launch sa dalawang bagets sa Love Collection under the House of Laurel ni Rajo Laurel. Bibong-bibo sina Lorin at Venice sa pagsagot sa mga tanong ng mga entertainment press kaya hindi in-expect nina Ruffa at Annabelle na kakayanin nilang sagutin ang mga tanong.

Aged 8 and 9 sina Lorin at Venice pero maagang napansin ni Ruffa na may hilig din sa fashion ang dalawa. In fact, naka-enrol sila ngayon sa Fashion Institute of the Philippines. Napansin ito ni Rajo kaya nang mag-decide siyang maglagay ng kiddie chic collection ng 10 dainty party dresses, nagpasya siyang i-tap ang magkapatid, five each sila, na each dress ay ipinangalan sa mga best friend nila in school. Ngayong Saturday, at 10:00 a.m., ilo-launch ang may 250 party dresses ng Love Collection sa House of Laurel in Rockwell (Makati City) pero mukhang konti na lamang ang puwede nilang ibenta dahil may mga pre-order na lalo na at papalapit na ang Christmas. Gawa raw kasi sa good materials at festive at joyous ang colors ng mga dress. 

Naalaala tuloy ni Ruffa na nang ganoon ang age niya, tumutulong na siya sa parents niya sa pagtitinda ng mga kaldero sa States. Siya ang nagsi-set up ng tables kapag may mga guests sila at nagwawalis din siya ng backyard nila. At tuwing tutulong siya, binibigyan siya ni Annabelle ng allowance na five dollars.

Ikinuwento nina Lorin at Venice na nakikita nila how their mom works for them kaya naman nang mapansin ni Ruffa na interested ang mga anak sa fashion, nagpasya siyang makipag-collaborate kay Rajo para mag-start ng business.

Ano naman ang masasabi nina Lorin at Venice ngayon na they will be earning their own money?

Say ng mga bata, gusto raw nilang makapagbenta ng maraming dresses para sa trip nila to Sydney, Australia at ang iba pang kikitain ay ido-donate nila sa charity. Natanong din ang dalawa kung tutulong ba sila sa campaign ng Lola Annabelle nila as Representative ng North District ng Cebu sa May. 

Kinanta ni Lorin ang kanyang campaign song na Ganyan Kita Kamahal na itinuro sa kanya ng kanyang yaya at si Venice naman ay ang The Climb. At pararatingin nila sa mga Cebuano na mukha lamang mataray ang kanilang lola sa TV pero malinis ang puso nito at matulungin. Dito napaiyak si Annabelle at nagpasalamat siya sa pagmamahal sa kanya ng dalawang apo.

“Napansin na fluent nang mag-Tagalog sina Lorin at Venice. Ayaw pala ni Ruffa na hindi marunong magsalita ng Tagalog ang mga anak kahit ang mga yaya nila ay sinabihan na mag-aral ng Tagalog. Si Lorin, nag-aaral din ng Mandarin at French, si Venice, Spanish, at Filipino. Aalagaan daw nila sina Ruffa at Annabelle hanggang maging old sila. Parehong gusto nilang maging teacher.

 

vuukle comment

ANNABELLE

FASHION INSTITUTE OF THE PHILIPPINES

GANYAN KITA KAMAHAL

HOUSE OF LAUREL

LORIN

LOVE COLLECTION

NILA

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with