^

Pang Movies

Beking showbiz personality nagtatago sa Papua New Guinea, dolyares sa pAluwagan tinangay!

MASARAP - Pang-masa

Matagal ding namalagi sa States ang isang be­king showbiz personality. Noong una, nakitira siya sa isang kaibigang sikat na hairdresser. Binalahura niya ang bahay na tinirhan kaya’t kahit sobrang bait nang kumupkop sa kanya, naubos ang pasensiya at pinalayas na siya.

Afford naman siyang umupa ng isang maliit na room dahil nagtrabaho na siya sa isang parking lot bilang tagaparada ng mga car. Akala namin okay na siya at tahimik na ang buhay doon.

Bigla na lang siyang nag-disappear sa lugar na dapat permanente na siya. Nowhere to be found siya at umeskapo. Ang kabalbalang ginawa, nanguna sa isang paluwagan. Tuwing magpa-Pasko ang hatian ng mga naihulog ng lahat ng members.

Tinakbo pala niya ng lahat ng dollars. Hindi rin nila natunton kahit sa ibang States. Ang balita, nasa Papua New Guinea na siya at doon naman naghahasik ng lagim! Hindi siya puwedeng bumalik sa ’Pinas dahil makikita agad siya ng FBI!

Judy Ann gusto pa ng isang anak na made in England

Gustong magkaanak ni Judy Ann Santos na made in England. Papunta sila ni Ryan Agoncillo sa London at doon baka makabuo sila ng bagong baby.

Kung talagang darating, kahit iwasan nila, ibibigay ang blessing. Kahit sabihin pang very busy si Juday at mukhang puno na ang schedule sa first half ng 2013. Maaari pa naman siyang magtrabaho kahit buntis na.

Sikat na aktres nagbabadyang ilabas ang mga nakatagong ebidensiya ng maiitim na lihim ng aktor

Ano kayang malilinaw na ebidensiya ang sinasabing hawak ng sikat na aktres laban sa kinamumuhiang aktor?

Mukha kasing very confident ang nagbabantang sumabog any moment upang mabunyag na ang pilit na tinatagong maiitim na lihim.

Sa media kaya gawin ang pagsisiwalat ng very dark secrets? O baka sa mga social network siya unang magpahayag. Huwag naman sanang gawing unti-unti. Sana isang bagsakan lang para hindi naman tayo mabitin.

David Foster pinag-interesan si Mark Mabasa, ’di lang pumuwede

Sa radio show ni Jobert Sucaldito na mismo una naming narinig ang very talented na si Mark Mabasa. Nagulat nga kami dahil sa bukod sa mahusay kumanta, umaapaw pa sa charisma. Nakakapagtaka at tsugi agad siya sa The X Factor Philippines.

Lumabas ang balita na very impressed si David Foster kay Mark. Nanood lang siya ng show ng American composer/producer/talent manager sa Singapore. Sa audience participation, kumanta si Mark na dapat ilang linya lang. Dahil sa loud applause at humanga si David, pinaakyat siya sa stage at pinatapos sa kanya ang kanta.

Tinanong ng ’Kanong producer kung taga-saan si Mark at sinabi niyang ‘‘I am from the Philippines.’’ Tiyak nag-usap na ang dalawa at baka si Foster na ang maging international manager ni Mark Mabasa.

Inalok pala ni Foster si Mark na maging guest performer na sa second day ng concert. Hindi lang puwede at pauwi na sa bansa ang singer at may naunang kompromiso.

Visayan film ni Nonito ipalalabas din sa buong mundo

Tuloy na ang pag-aartista ni Nonito Donaire. Siya ang leading man sa first Visayan film after the absence of this genre for decades, ang Palad Ta Ang Nagbuot.

Remake ang project ng isang classic starring Gloria Sevilla and Gabriel ‘‘Flash’’ Elorde, directed by the late Leroy Salvador. Siguro tungkol sa isang boxer ang istorya kaya’t si Donaire ang napi­ling bida. Kasama pa rin sa movie ang nag-iisang queen of Visayan movie na si Gloria Sevilla.

Lalagyan ng English subtitle ang pelikula para maintindihan ng mga hindi Bisaya at maipalabas sa buong mundo.

Amaya kasali na sa mga ipinalalabas sa buong Asya

Marami na palang mga teleserye ang GMA 7 na pinalalabas na rin sa ibang ASEAN countries. Una sa listahan ang Amaya, na patok talaga sa ating mga kapitbahay na bansa.

Kapag dinadala ang mga local show and movie sa annual Asian TV/movie market, malamang na binibili ito ng mga foreign distributor in our region. Sana pati TV5 ay magkaroon na rin ng mga show na ipapalabas ng mga foreign network.

vuukle comment

AMAYA

DAVID FOSTER

GLORIA SEVILLA

ISANG

MARK MABASA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with