^

Pang Movies

Bilang walang mga karelasyon: Piolo at Sam, hindi maka-level sa kaligayahan nina Angelica, Zanjoe at Bea!

Vinia Vivar - Pang-masa

Star-studded ang presscon ng latest offering ng Star Cinema na 24/7 In Love dahil sa bonggang casting nito. Pagsama-samahin ba naman sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Kim Chiu, Zanjoe Marudo, Gerald Anderson, Sam Milby, Maja Salvador, Diether Ocampo, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Pokwang, at Piolo Pascual? Kasama rin nila ang dalawang pambatong child stars ng Kapamilya Network na sina Xyriel Manabat at Zaijian Jaranilla.

Sa presscon ay si Loydie lamang ang hindi nakarating at talagang si Angelica ang tinanong ng press kung bakit wala ang boyfriend. Say naman ng aktres, nasa taping ito ng A Beautiful Affair.

Sa naturang event pa rin ay mahahalata mo ang mga in love dahil ang saya-saya nila tulad nina Angelica, Zanjoe, and Bea. Parang medyo malungkot naman sina Piolo at Sam habang sina Kim and Ge­rald ay cool lang ang drama.

Sina Daniel at Kathryn naman, makikita mo ang young love na umuusbong at sa tingin nga namin, sila ang sumusunod sa yapak ng Kimerald noon.

Agree kami sa sinabi ni Gerald na si Kathryn ay parang si Kim five years ago. Ganyang-ganyan din kasi ang Kimerald noong nagsisimula pa lang at makikita sa kanila that night how they mature now at ibang-iba na ang kilos at galaw nila ngayon kasama na of course ang estado nila.

Inamin naman ni Kim na talagang may kaba factor sa kanya noong una since two years silang hindi masyadong nag-uusap at nagkikita.

“Pero nung nagkita naman kami, okay naman. Nagkuwentuhan, nagtawanan. ’Tapos ’yung huling eksena nga, nakakatuwa. Parang bumalik ulit ’yung mga ginagawa namin dati,” sabi ni Kim.

Natanong din sina Kim at Gerald kung sarado na ba talaga ang puso nila para sa isa’t isa at hindi agad nakasagot ang dalawa.

But say din ni Kim, “Siyempre, matagal na. Naging magkaibigan kami at hindi kami magkaaway. Okay na kami na ganito lang.”

Say naman ni Gerald, lagi naman nakabukas ang kanyang puso.

Showing na sa Nov. 21 ang 24/7 In Love at ito ang handog ng Star Cinema bilang selebrasyon ng 20th anniversary ng Star Magic. Ang nasabing pelikula ay idinirihe nina Mae Cruz, Dado Lumibao, John D. Lazatin, at Frasco Mortiz.

Shaina makakapahinga na sa pananampal

Sa pagtatapos ng Kung Ako’y Iiwan Mo next week, ayon sa bidang si Shaina Magdayao, hindi siya makapaniwala na tumakbo ang serye ng halos isang taon.

“Kung eight months kaming umeere, isang buong taon na namin itong pinagtatrabahuan. And lahat naman ng projects na nagagawa ko nagiging pamilya na ’yung mga kasama mo dahil almost everyday magkasama kayo.

“Nakakalungkot kasi magtatapos na at the same time fulfilling dahil nasa reception ng mga tao. I posted something sa Instagram ko na we’re done to our last two taping days, saka nakaka-touch nga ’yung mga feedback nila.

“Sinasabi nila, sana, may book two or ayaw nilang magtapos. ’Yung iba naman gusto na nilang magtapos kasi buwisit na buwisit na sila kay Mia (Bangs Garica). So, natutuwa lang ako na may pinuntahan ’yung isang buong taon na pagtatrabaho namin. Kahit paano in our own little way naka-inspire at naka-touch kami ng buhay ng mga manonood,” mahabang sabi ni Shaina.

Kung may ikinatutuwa siya sa pagtatapos ng serye, ito ay dahil sa matitigil na ang pagiging bayolente niya dahil halos araw-araw yata ay may eksena siyang sinasampal si Jake Cuenca bilang asawa niya at si Bangs bilang “other woman” ng kanyang mister.

“Siyempre hindi naman maganda na nanampal ako lagi ’di ba? But gustung-gusto ng mga tao kapag nasasabunutan ko si Mia, kapag nasasampal ko si Pau (Jake).

“Dati nag-score pa sila kung sino ang may pinakamaraming sampal doon sa episode. Maraming salamat dahil na-appreciate nila ’yung part ng story namin na ’yun,” say pa ng young actress.

For her next project, natanong si Shaina kung ano naman ang gusto niyang gampanan.

“So far ito na kasi ’yung pinaka-extreme ko eh. Hindi ko alam kung ano pang ie-extreme nito sa sobrang dami ng pinagdaanan ni Sarah. But we’ll see kung ano’ng gagawin ko next project,” sagot ng aktres.

vuukle comment

A BEAUTIFUL AFFAIR

IN LOVE

KUNG

NAMAN

NILA

SHAINA

STAR CINEMA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with