Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Fans ng aktres magaling lang mang-bully, mga duwag naman

Katsipan ang ginagawa ng fans ng isang aktres. Panay ang pagpapadala nila ng mga text message sa entertainment writers na nagtataka kung paano nalaman ng fans ang kanilang mga cell phone number.

Walang bago sa mga text message ng fans. Ipinangangalandakan nila na sikat pa rin ang kanilang idol at ito ang karapat-dapat na mag-win ng acting award sa Metro Manila Film Festival 2012.

Bago magmalaki ang fans ng aktres, tangkilikin muna nila ang mga pelikula ng kanilang iniidolo na aktres ’no?! Hindi pa nagkakaroon ng hit movie ang aktres mula nang pabayaan niya ang kanyang showbiz career.

Magaling lang mang-bully ang fans ng aktres. Nagpapadala sila ng mga pagbabanta sa mga cell phone ng mga reporter. Hindi naman nila maipakilala ang kanilang mga sarili. Gumagamit sila ng ibang mga pangalan at mga alias. Ganyan sila kaduwag!

Lorna at Alessandra, grabe ang ginawang tarayan

Ang ganda-ganda ni Lorna Tolentino sa presscon ng Pahiram ng Sandali dahil pumayat na naman siya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Maalaga si LT sa katawan pero pumayat na naman siya dahil sa halos araw-araw na taping ng primetime soap nila ni Dingdong Dantes. Inaabot ng maghapon at magdamag ang kanilang trabaho dahil sa Lunes na magsisimula ang Pahiram ng Sandali.

Ang sabi ng isang insider, kaabang-abang ang tarayan nina LT at Alessandra de Rossi sa Pahiram ng Sandali.

Baby ang name ni Alessandra sa teleserye ng GMA 7 at magkakaroon siya ng relasyon kay Christopher de Leon na asawa ni LT.

Marami ang naaaliw sa name ng karakter ni Alessandra. Baby ang pangalan niya pero hindi siya baby dahil maldita ang papel na kanyang ginagampanan.

Andi pumangit ang image, Jake ibinuking na hindi naging faithful ang ex-GF nabuntis ng iba kahit sila pa

May duda ako na sasagutin ni Andi Eigenmann ang mga shocking statement ng kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Hindi kasi maganda para sa image ni Andi ang sinabi ni Jake. Lumabas na hindi faithful girlfriend si Andi dahil pinagsabay niya sina Jake at Albie Casiño. Kawawa ang anak ni Andi dahil nagiging pahulaan ang tunay na katauhan ng kanyang fadir.

Mukhang hindi naman papayag sina Jake at Albie sa DNA test para malaman kung sino ang real father ng bagets. Lumang isyu na ang love triangle nina Andi, Albie, at Jake pero hindi pa ito nagkakaroon ng closure!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: