^

Police Metro

Sundalo binihag, security agency niransak

Joy Cantos - Pang-masa
Sundalo binihag, security agency niransak
Ayon kay Captain Joe Patrick Martinez, Spokesman ng Army’s 4th Infantry Division (ID) ang pagbihag sa isang sundalo ay naganap ilang minuto matapos naman salakayin ng mga rebelde bandang alas-6:30 ng gabi ang Dasia Security Agency Office sa Purok 17, Hindangon, Pob­lacion ng lungsod.
AP Photo/Aaron Favila

MANILA, Philippines - Papatindi pa ang paghahasik ng terorismo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos magsagawa ng panibagong pagsalakay ng bihagin ang isang sundalo at ransakin ang isang security agency na natangayan ng mga armas sa magkakahiwalay na insidente sa Valencia City, Bukidnon kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Captain Joe Patrick Martinez, Spokesman ng Army’s 4th Infantry Division (ID) ang pagbihag sa isang sundalo ay naganap ilang minuto matapos naman salakayin ng mga rebelde bandang alas-6:30 ng gabi ang  Dasia Security Agency Office sa Purok 17, Hindangon, Pob­lacion ng lungsod.

Kinilala ang binihag na sundalo na si Technical Sergeant Joseph Paredes, miyembro ng 81st Infantry Battalion (IB).

Kasalukuyang bumabagtas sa national highway ng Poblacion, Valencia City ang motorsiklong sinasakyan ng sundalo kaangkas ang kaniyang misis nang harangin ng mga rebelde na nagsasagawa ng pekeng checkpoint at nagpanggap pa umanong magto-tokhang sa national highway ng Poblacion ng lungsod.

“Hunong sa kay naa mi ginatokhang diri sa unahan” (Stop, we are conducting tokhang along this area)” pahayag umano ng isa sa mga rebelde , ayon sa opisyal matapos  dukutin ang nasabing sundalo sa harapan ng kaniyang natulalang misis. Natukoy na miyembro ng AFP ang biktima dahilan sa nakitang identification card mula dito.

Tinangka naman ng misis ng nasabing sundalo na pigilan ang mga rebelde pero itinulak ito sa putikan  saka mabilis na nagsitakas sa lugar tangay ang kaniyang mister.

Iniulat naman ni Supt. Lemuel Gonda, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 10 na hinarang rin ng mga rebelde si PO1 Emilio Traya, miyembro ng Maramag Police na dinisarmahan ng mga ito ng nakaisyung cal 9 MM.

Samantalang nagawa ring matangayan ng sari-saring mga armas ng mga rebelde ang niransak ng mga itong security agency. Kabilang sa mga natangay na armas ay dalawang AK 47 rifles, isang M16 rifle, tatlong shotgun, tatlong cal 38 revolver at iba pa.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with