^

Police Metro

Umibig, nakulong sa ‘rescue’

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pang-masa
Umibig, nakulong sa �rescue�
P/Supt. Maria Christina Nobleza

Police colonel nobya ng Abu Sayyaf bomb expert...

MANILA, Philippines - Sleeping with the enemy”

Ganito isinala­rawan ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang naarestong si P/Supt. Maria Christina Nobleza, Deputy Chief ng Police Regional Office (PRO) 11 Crime Laboratory sa Davao Region matapos mahuli  sa checkpoint na tangkang itakas ang nalalabi pang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG)  kabilang ang driver-lover nito sa o­perasyon sa Clarin, Bohol noong Sabado ng gabi sa highway ng Brgy. Bacani, Clarin na may 150 metro ang layo mula sa pinagtaguang kuweba ng nalalabing mga Abu Sayyaf sa Sitio Kabasakan.

Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng gabi noong Sabado nang mahuli sa checkpoint si Supt. ­Nobleza at nobyo nitong Abu Sayyaf na si Reener Lou Dungon  na isang eksperto sa paggawa ng bomba.

“She is romantically involved or linked with the ASG member na dri­ver na later on na-find out na si Reener Lou Dungon or alyas Kudre ay member ng Abu Sayyaf. Na­gu­­­­­­yab (magkasintahan) sila ba. She is sleeping with the enemy”, pahayag ni Dela Rosa.

Batay sa imbestigasyon ng PNP, planong sagipin ng magkasintahan ang isang alyas ‘Asin’, isang 17-anyos na bandidong sinasabing may dugong bughaw sa Basilan.

Narekober mula sa sasakyan ng dalawa ang mga pagkain, gamot, damit, cell phone na may baterya at SIM packs, diving gear at isang baril-mga gamit na para umano sa sasagiping terorista.

Parehong nakadetine ang “mag-uyab,” ang Bisayang salita para sa magkasintahan, sa Tagbiliran, Bohol. 

Pero balak hilingin ni Dela Rosa na mai­lipat ang dalawa sa Camp Crame bilang itinuturing na silang “high-risk detainees” at tiniyak nito  na tatanggalin sa serbisyo si Supt.Nobleza kaugnay ng kasong kriminal at administratibo.

Magugunita na una nang nakasagupa ng mga otoridad sa follow-up ope­rations sa lugar na ikinasawi ng apat na mga bandido kabilang sa mga  nalalabi pang wanted na  tinutugis sa Bohol.

Kabilang sa mga nasawi ay si Joselito Melloria, isang balik-Islam at tubong Brgy. Napo, Inabanga, Bohol na napaslang sa bakbakan bandang alas-3:00 ng hapon  nitong Sabado habang ang tatlo pa nitong kasamahan ay nasawi naman kinagabihan ng nasabi ring araw.

Ikinatuwiran ni Supt.Nobleza nang maaresto ay nagto-tour lamang umano siya sa Bohol pero nabisto ito ng mga otoridad  ang relasyon nito kay Dungon base sa palitan ng text messages sa narekober sa kanyang cell phone.

Ibinunyag din ng chief PNP na isa sa mga pasaherong kasama sa sasak­yan ay mother-in-law ng mga teroristang sina Marwan, Janjalani, Sulayman at Akmad Santos na ang mga anak na babae nito ay asawa ng mga ito.

Idinagdag pa ni Dela Rosa na hindi na saklaw ng PNP ang pakikipagre­lasyon ng opisyal sa isang miyembro ng Sayyaf na isang uri ng ‘treason’ at tiniyak na pananagutin nila sa batas ang opisyal na nabuwang sa pag-ibig.

Magugunita na noong Abril 10 ay una nang nakasagupa ng tropa ng militar at pulisya ang 11 miyembro ng Abu Sayyaf na namonitor na dumaong lulan ng dalawang pumpboat sa tabing ilog ng Inabanga, Bohol na ikinasawi ng anim na bandido kabilang ang Sub-leader ng grupo na si Muammar Askali alyas Commander Abu Rahmi.

vuukle comment

RESCUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with