^

PM Sports

Ateneo vs La Salle uli

Pang-masa
Ateneo vs La Salle uli
Hinatawan ni Michelle Morente ng Ateneo sina Toni Rose Basas at Jeanette Villareal.
PM photo ni Joven Cagande

MANILA, Philippines - Tutungo sa kanilang pang-anim na sunod na Finals appearance sa women’s division ang Ateneo De Manila University matapos talunin ang Far Eastern University 25-22 , 25-10, 16-25, 26-24, sa Final Four ng UAAP Season 79 volleyball tournament na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay kahapon.

Tatlong Lady Eagles ang pumalo ng double-digits sa pangunguna ni Michelle Morente na tumapos ng may 16 na puntos habang pumitik naman ng 51 excellent sets ang kanilang kapitan na si Jia Morado para talunin sa pa-ngatlong pagkakataon ang Lady Tamaraws ngayong season.

“Ang sarap sa pakiramdam na this year nakatulong ako sa team na makaabot ng Finals,” pahayag ni Mo-rente na hindi nakapaglaro noong Season 78 dahilan sa academic issues.

Pinamunuan naman ng 14 na puntos ni Bernadeth Pons ang FEU na hindi pa nananalo laban sa Ateneo mula noong Enero 23, 2013.

Nagtala naman ng 12 puntos ang kanilang kapitan na si Remy Palma sa kanyang huling laro sa collegiate volleyball.

Makakalaban rin ng Ateneo ang La Salle Lady Spikers sa pang-anim na sunod na pagkakataon sa best-of-three Finals na magsisimula sa Abril 29 sa parehong venue.

Sa men’s division, nakahirit ng do-or-die match ang Far Eastern University para sa huling Finals slot matapos burahin ang twice-to-beat advantage ng National University, 22-25, 26-24, 28-26, 25-17 sa kanilang stepladder semifinals match-up.

Bumida si senior setter Ronchette Villegas na humataw ng 44 excellent sets habang umiskor naman ng 16 na puntos si Jude Garcia para talunin ng Tamaraws ang Bulldogs sa unang pagkakataon ngayong season sa loob ng tatlong laban.

Haharapin ng Ateneo ang mananaig sa dalawang koponan sa isang best-of-three series para sa titulo. FML

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with