^

Para Malibang

Pangalawang Anino (65)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

ANG pangalawang anino ay halos gumagapang sa hina, nakita ito nina Alona at Roger.

At ang unti-unting nakakabawi ng lakas na si Yawana, nakikita rin ang aninong nahihirapan.

“Magbabayad sila ...” Gigil na gigil ito.

Narinig naman ni Roger, lumapit ito sa anak na nagpapalakas.

“Yawana, huwag mong kantiin ang kapatid mo. Nangako ako sa kanila na titigilan lang nila ang pagpaparusa sa pangalawa mong anino, gagawin ko ang lahat na paraan para hindi mo na masasaktan si Nanette.”
    “Muntik na niya akong pinatay! At tingnan ninyo ang pangalawa kong anino, kulang na lamang ay lumpuhin nila.”

“May kapangyarihan na rin sila, panlaban. Kaya lalo lang kayong mapapahamak ng pangalawa mong anino kapag hindi mo sila nilubayan.”

“Magtutuos kami! Hindi ako susuko!”

“Yawan ...”

“Yawanaya ... kumusta ka na?”

“Yawan, mismong si Arturo ang gustong pumatay sa atin. Siya ang nagwisik ng banal na tubig sa atin!”

Nagtagis ang mga ngipin ni Yawan. “Nagawa niya ‘yon? Nagawa niya dahil kay Nanette!”

“Huwag iyon ang isipin mo! Ang pagkaligtas ninyong dalawa, ikaw at iyong anino, iyon ang dapat mong pahalagahan, Yawana. At pasalamatan si Nanette dahil siya ang kumumbinsi sa kanyang inang si Sheila na palayain na ang pangalawang anino.”

Hindi sumagot si Yawana. Sa halip ay niyakap ang nanghihinang pangalawang anino.

“Magpahinga na muna tayo ngayon, Yawanaya. Sa mga darating na araw, saka natin paplanuhin ang paghihiganti.”

“Hindi! Walang maghihiganti! Sa halip ay magpapasalamat kayo!”

 “Hindi mo pa pala talaga ako kilala, aking ama. Nagkamali ka dahil pinigil mo silang patayin kami ng mga anino ko. Ngayon, sila ang mamamatay.”

“Hindi ninyo ‘yan magagawa dahil may panlaban sila. Hindi nga ba muntik na kayong mamatay ng pa­ngalawa mong anino dahil napakabagsik ng kanilang tubig na banal laban sa inyo?”

Bumagsik lalo ang mukha ni Yawan. “Hindi kami tanga na basta susugod sa kanila. Pupunta kami sa Itom, hihingi kami ng tulong kay Tagapag-alaga.” 

 ITUTULOY

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with