^

Pang Movies

Sharon hindi rin sisiputin ni Gabby sa concert

Vir Gonzales - Pang-masa
Sharon hindi rin sisiputin  ni Gabby sa concert
Sharon Cuneta

MANILA, Philippines -  Marami ang nabigla nang mag-decide umalis ng bansa si Megastar Sharon Cuneta patungong Amerika dahil sa sakit at pagod daw na kanyang nararamdaman.

Maraming Sharonians ang apektado rito dahil parang nadarama na rin nila ang lungkot ng kanilang idolo.

Hindi man tayo nagsasalita, marunong naman tayong bumasa ng na­darama ng isang tao.

Sino ba naman ang taong matutuwa sa kabila ng sobrang penitensiya para pumayat dahil may gaga­wing movie katambal ang kanyang ex husband na si Gabby Concepcion tapos hindi naman matutuloy. Sino ba ang hindi madi-depressed doon?

Mabuti sana kung maagang sinabi ng actor na ayaw na nitong makipagbalik-tambalan kay Sharon.

Maraming Sharonian ang nagtitimpi lang sa kanilang nadarama.

Isang konserbatibong maestra ang nakakwentuhan namin, aniya ay dapat daw ngayong dumating at lumapit ang anak na si KC Concepcion para damayan ang ina.

Kailangan ng aktres ng makakausap at makakasama ngayong darating na Mother’s Day.

Balitang bihira lang daw magkita ang mag-ina at sa phone lang nag-uusap. Marahil parang nag-iisa lang sa mundo ang feeling ni Mega kaya umalis na siya sa bansa.

Sikat at mapera man si Sharon ay tila hindi naman siya maligaya.

Pero bukod sa pagpapagaling ng sakit at pagod, may nakatakdang concert si Sharon sa America na dapat sana’y guest din si Gabby.

Pista ng baliuag inaabangan na

Sa darating na May 14 ay nakatakdang mag-celebrate ng masayang kapistahan ang bayan ng Baliuag, Bulacan.

Magkakaroon ng street dancing competition at mga palaro na handog ng hermano mayor ng pistahan na si Jorge Allan Tengco.

Two years na siyang nakaupo bilang pangulo ng kapistahan.

In charge naman sa mga bulaklak na gagamitin sa simbahan ay handog ng may-ari ng Baliuag Drug na si Miring Rodriguez na naging hermano rin ng kapistahan noon kung saan katuwang niya si Mrs. Amy Rodriguez Tengco na mother ni Jorge Allan.

Katuwang din sa kapistahan si Baliuag Mayor Ferdie Estrella, Mayora Sonia Estrella at ex Mayor Romy Estrella.

Maine inaapela ng mga taga-bulacan na ‘wag maningil ng dobleng TF

May pakiusap ang mga Bulakenyong tagahanga ni Maine Mendoza na sana raw kung maiimbitahan naman siya ng mga kababayan maging bisitang artista sa kani-kanilang bayan ay huwag itong humirit ng mataas na talent fee.

Sa taong bayan din kasi galing ang inilalagak  na pera para maibigay sa mga iniimbitahang artista.

‘Yung ibang artista kasi kung maningil ay doble ang halaga. Hindi nila alam na galing sa kontribution ng iba’t ibang tao ang ibinababayad sa kanila.        

                                                                       

vuukle comment

SHARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with