PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

JRU magpapalakas para sa Final 4




<!--[if gte mso 9]>

Normal
0

MicrosoftInternetExplorer4

<![endif]-->

<!--[if !mso]> st1\:*{behavior:url(#ieooui) }

<![endif]-->

<!-- /* Font Definitions */ @font-face { panose-1:0 0 0 0 0 0 0 0 0 0;} /* Style Definitions */ p.MsoNormal, li.MsoNormal, div.MsoNormal {mso-style-parent:""; margin:0in; margin-bottom:.0001pt; font-size:12.0pt;"Times New Roman"; mso-fareast-"Times New Roman";} p.NoParagraphStyle, li.NoParagraphStyle, div.NoParagraphStyle {mso-style-name:"\[No Paragraph Style\]"; mso-style-parent:""; margin:0in; margin-bottom:.0001pt; line-height:120%; text-autospace:none; font-size:12.0pt; mso-fareast-"Times New Roman"; color:black;} @page Section1 {size:10.5in 12.5in; margin:27.0pt .5in 27.0pt .5in;} div.Section1 {page:Section1;} -->

<!--[if gte mso 10]> /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-style-parent:""; font-size:10.0pt;"Times New Roman";}

<![endif]-->

Hangad ng Jose Rizal University na palakasin ang kanilang tsansa sa Final Four sa pakikipag-harap sa sibak na sa kontesiyong Philippine Christian University sa pagpapatuloy ng 84th NCAA men’s basketball tournament sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Naputol ang magandang takbo ng kampanya ng JRU Heavy Bombers na nakapagtala ng walong sunod na panalo para matagal na hawakan ang liderato matapos lumasap ng dalawang sunod na talo kasabay ng pag-arangkada ng mga kalaban.

Hawak ng Jose Rizal ngayon ang 8-4 kartada katabla ang Colegio de San Juan de Letran sa likod ng defending champion San Beda College na may 9-3 record at ng San Sebastian College na may 9-4 karta-da.

Nasa ikalimang puwesto ang naghahabol sa Final 4 na Mapua Instittute of Technology na may 7-5 kartada.

Sa panalo ng Jose Rizal, makakasiguro sila ng playoff para sa huling Final 4 slot.

Mauuna rito ay ang sagupaan ng parehong sibak na sa kontensiyong College of St. Benilde at Universty of Perpetual Help Dalta System sa alas-2:00 ng hapon.

Wala nang pag-asang makapasok sa susunod na round ang CSB Blazers bunga ng kanilang 4-9 kartada at ang kulelat na Per-petual Altas na may isang panalo pa lamang sa 12-laro. (MBalbuena)

  • Follow Us: