PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Aces umahon

MANILA, Philippines - Sa first period pa lamang ay ramdam na ang intensidad at determinasyong manalo ng Aces.

Mula sa mainit na pani­mula, nagtuluy-tuloy ang Alaska sa 98-90 paggupo sa Meralco para makuha ang ikatlong puwesto sa elimination round ng 2012 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nagposte ang Aces ng 11-for-15 fieldgoal shooting para sa kanilang 23-6 bentahe kontra sa Bolts, nasa isang three-game losing slump ngayon.

“We felt good in the beginning of the game. We were given opportunities to take open shots, so we took them and we made them,” sabi ni coach Joel Banal.

May 3-2 baraha ngayon ang Alaska sa ilalim ng nagdedepensang Talk ‘N Text (3-0), Powerade (2-0), Barangay Ginebra (2-1) at Air21 (1-1) kasunod ang Petron Blaze (2-2), B-Meg (2-2), Air21 (1-1), Rain or Shine (1-3), Barako Bull (1-3) at Meralco.

Isang 12-0 atake ang inilunsad nina Mexican import Adam Parada, Cyrus Baguio at LA Tenorio upang ibigay sa Aces ang 25-point lead, 39-14, laban sa Bolts sa unang apat na minuto ng second quarter.

Ganap na sinelyuhan ng Alaska ang kanilang panalo mula sa 89-72 pag-iwan sa Meralco sa huling 3:29 ng final canto buhat sa basket ni Parada.

Nagtala si Parada ng 25 points para sa Aces kasunod ang 19 ni Tenorio, 18 ni Baguio at 10 ni Eric Salamat.

Binanderahan naman nina import Earl Barron at Sol Mercado ang Bolts sa kanilang tig-26 markers, habang may 19 si Mac Cardona. 

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Tigers at ang Energy habang isinusulat ito.

Samantala, magtatagpo naman ngayong alas-6:46 ng gabi ang B-Meg at ang Air21 sa Tacloban Convention Center.

Alaska 98 - Parada 25, Tenorio 19, Baguio 18, Sala­mat 10, Thoss 8, Baracael 7, Custodio 7, Eman 2, Gelig 2, Reyes 0.

Meralco 90 - Mercado 26, Barron 26, Cardona 19, Ross 6, Taulava 6, Borboran 4, Timberlake 3, Ballesteros 0, Yee 0, Espinas 0, Artadi 0, Hugnatan 0.

Quarterscores: 27-14; 49-31; 71-57; 98-90.

  • Follow Us: