PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pagpili ni Mayweather kay Cotto, malaking pagkakamali--Pacman

MANILA, Philippines - Sinabi ni Manny Pacquiao na nagkamali si Floyd Mayweather Jr. na piliin niya si Miguel Cotto bilang kanyang kalaban.

“Akala niya madaling kalaban si Cotto,” sabi ni Pacquiao kay Mayweather na lalabanan ang Puerto Rican sa Mayo 5 sa Las Vegas.

Hahamunin ni Mayweather si Cotto para sa suot nitong WBA light-middleweight crown. Walang catchweight para sa kanilang laban na gagawin sa 154 pounds at inaasahang papabor kay Cotto.

Sinabi ni Pacquiao na hindi magiging madali para kay Mayweather ang laban kay Cotto.

“Delikado si Mayweather,” dagdag ni Pacquiao, tinalo si Cotto sa catchweight na 145lbs at umiskor ng isang 12th round stoppage noong 2009.

Sinabi ni Pacquiao na sa 154 pounds mas matibay si Cotto, tinalo si Antonio Margarito, noong Disyembre sa New York.

Matapos matalo kina Margarito at Pacquiao sa loob ng 16 buwan, bumangon si Cotto sa pamamagitan ng tatlong sunod na panalo, kasama rito si Margarito.

Si Cotto ang pinag-agawan nina Mayweather at Pac­quiao para makalaban nila.

Nang ayawan ni Cotto ang rematch kay Pacquiao, si Mayweather ang humamon kay Cotto para sa kanilang laban sa 154lbs.

“Malakas sumuntok si Cotto,” ani Pacquiao, lalaba­nan si Timothy Bradley sa Hunyo 9 sa MGM sa Las Vegas.

“Pag natalo si Floyd dito, ubos na ang kredibilidad niya,” dagdag pa nito.

  • Follow Us: