PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pacquiao-Barrera rematch opisyal na ihahayag sa Martes

Opisyal nang ihahayag ng Top Rank at Golden Boy Promotions sa Martes ang rematch nina Filipino boxing hero Manny Pacquiao at Mexican boxing legend Marco Antonio Barrera.

Gagawin nina Bob Arum ng Top Rank at Oscar Dela Hoya ng Golden Boy ang naturang news conference sa Los Angeles, California.

Matatandaang pina-suko ng 28-anyos na si Pacquiao ang 33-anyos na si Barrera sa 11th round ng kanilang “People’s Featherweight Championship” noong Nobyembre 10 ng 2003 sa Alamodome sa San Antonio, Texas.

At matapos nito ay hindi na nagkita pang muli  sina Pacquiao at Barrera, dating hari sa super featherweight division ng World Boxing Council (WBC).

Ang Pacquiao-Barrera II ay ilalarga sa Oktubre 6 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada tampok sina Arum at Dela Hoya bilang co-promoter mula na rin sa kanilang naging kasun-duan.

Ang tubong General Santos City na si Pac-quiao ang kasalukuyang WBC International super featherweight champion.

Si Mexican featherweight Jorge Solis ang huling naging biktima ni Pacquiao matapos umis-kor ng isang seventh round knockout noong Abril 14, samantalang na-agaw naman kay Barrera ang kanyang WBC crown ng kababayang si Juan Manuel Marquez noong Marso 17. (Russell Cadayona)

  • Follow Us: