PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

SSC belles, Army netters mag-aagawan sa Game 1

MANILA, Philippines - Bubuksan ng San Se­bas­tian College at Philippine Army ang kanilang best-of-three championship series para sa Shakey’s V-League Open Conference sa The Arena sa San Juan.

Magtatagpo ang Lady Stags at Lady Troopers nga­yong alas-4 ng hapon.

Maglalaban naman sa isang best-of-three series para sa third place trophy ang Ateneo De Manila University, ang first conference champions, at Philippine Navy sa alas-2.

Tumapos na may magkatulad na 5-1 baraha ang San Sebastian at Army sa single-round elims at nag­lista ng magkaparehong 3-0 marka sa quarterfinals.

Winalis ng Lady Stags at Lady Troopers ang Lady Sailors at Lady Eagles sa Final Four upang itakda ang kanilang finals showdown.  

May 1-1 record ang San Sebastian, asam ang ka­ni­lang ikalawang korona sa kanilang pang limang finals appearance, at Army sa ka­nilang dalawang beses na paghaharap sa elimination round.

Tinalo ng Lady Stags ang Lady Troopers via five-set victory sa eliminations, habang bumawi naman ang huli sa quarterfinals mula sa kanilang four-set win.

  • Follow Us: