PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Todo suporta sa Azkals

May bukas pa.

Ito lamang ang maipapayo natin sa Philippine Azkals na natalo sa Kuwait noong Linggo.

Pero sabi nga natin, may bukas pa.

Kaya nga’t todo ang paghahanda at pagdarasal para sa kanilang rematch na gagawin sa Rizal Memorial Football Stadium ngayong araw. Mabigat ang nakaatang na responsibilidad sa Azkals.

Kailangang manalo ng Azkals sa iskor na 5-1 o kaya mag-4-0 para magpatuloy ang kanilang pag-asang makarating sa World Cup finals sa 2014 sa Brazil.

Ang 3-0 win ngayon ay mangangailangan pa ng extra time, ang 4-1 win para sa Azkals ay manganga­hulugan na aabante sa third round ang Kuwait dahil sa goals na magsisilbing tiebreaker kung magkaroon ng tie.

 Kaya nga tanging 4-0, o mas marami pang goals sabay pagblangka sa Kuwait ang kinakailangan ng Azkals.

Pero nananatiling positbo ang pananaw ng Azkals

“It seems that the job at home has become tougher but I don’t think it’s impossible,” sabi ni Azkals manager Dan Palami ng maging panauhin sa PSA Forum nitong Martes. “We might just be able to create opportunities.”

Kahit ako ay hindi naman nagtaka sa naging resulta ng laban ng Azkals kontra Kuwait. Isa ang Kuwait sa pinakamalakas na koponan sa ating rehiyon kung saan minsan ay tinanghal na itong Asian champion.

Sa mga nakapanood, iba ang level ng laro ng Kuwait dahil nga pambansang laro sa kanila ang football.

Pero hindi pa rin tayo nawawalan ng pag-asa. Nasa homecourt tayo sa laro ngayon. Kinakailangan lamang ng todong depensa para pabagsakin ang Kuwait.

Sa huli nating balita ay makakasama na ng Azkals si Filipino-German standout Stephan Schrock para manduhan ang midfield sa second round World Cup Qualifying laban sa powerhouse Kuwait.

Si Schrock na nasuspindi sa first leg, ay dumating kahapon.

Aminado naman Palami na malaking tulong si Schrock, na isa sa bumantay sa midfield sa first-round win ng Azkals sa Sri Lanka.

Napakalaki ng magagawa ni Schrock lalo na at wala ang midfielders na si Paul Mulders na may injury at si Jerry Lucena na may club commitments.

Kailangan ng Azkals ang lahat ng suporta na maibibigay natin ngayon. Kaya lusob na sa Rizal Memorial Coliseum.

  • Follow Us: