PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Gilas ka-grupo ang China sa Wuhan

WUHAN, China--Napa­bilang ang Smart-Gilas Pilipinas sa Group D para sa preliminary round ng 26th FIBA Asia Championship kasama ang powerhouse China, Bahrain at United Arab Emirates.

Ang two-time defending champion Iran ay makakalaban ang Gulf competitor na Qatar, East Asia’s Chinese-Taipei at isang Middle Asia qualifier sa Group B.

Nasa Group A ang Le­ba­non, nakapasok mula sa kanilang panalo sa 3rd FIBA Asia Stankovic Cup noong 2010, SEABA’s Malaysia, East Asian champion South Korea at isa pang Middle Asia qualifier.

Ang Group C ay binu­buo ng Japan, natalo sa Lebanon sa Stankovic Cup final, SEABA runner-up Indonesia at West Asia’s Jordan at Syria.

Ang Smart-Gilas Pili­pi­nas ang naghari sa na­ka­raang SEABA Men’s Championship sa Jakarta, Indonesia.

Ang magkakampeon ang siyang maglalaro sa 2012 London Olympics, ha­bang ang magiging No. 2 at No. 3 teams ay papasok sa FIBA Olympic qualifying tournament na magtatampok sa mga wildcard teams mula sa iba pang FIBA zones.

  • Follow Us: