PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Llamados hiniya ng Express sa Naga

MANILA, Philippines - Maski sa isang out-of-town game ay hindi ma­ka­kuha ng kanilang unang panalo ang nagdedepensang Derby Ace.

Nagsalpak ng apat na three-point shots sina Wesley Gonzales, Ronjay Buenafe at Wynne Arboleda sa gitna ng fourth quarter upang tulungan ang Air21 Express sa 77-69 paggiba sa Llamados sa 20­10-2011 PBA Philippine Cup kahapon sa Naga City sa Camarines Sur.

Matapos ang jumper ni PJ Simon para sa 46-39 abante ng Derby Ace sa 6:06 ng third period, nag­hulog naman ang Air21 ng isang 18-3 bomba upang angkinin ang 57-49 bentahe sa 10:09 sa fourth quarter.

Muling napasakamay ng Llamados ang lamang sa 59-57 bago ang apat na tres nina Gonzales, Buenafe at Arboleda na nagbigay sa Express ng isang 10-point lead, 71-61, sa ilalim ng 5:00 minuto ng laro.

Huling nailapit ni Jonas Villanueva ang Derby Ace sa 69-73 sa 1:12 ng labanan kasunod ang mga freethrows nina Buenafe at Carlo Sharma para sa 77-69 paglayo ng Air21 sa natitirang 31.9 sebundo. 

Samantala, magkikita na­man ang Barangay Ginebra at San Miguel nga­yong alas-6:30 ng gabi matapos ang banggaan ng Powerade at Barako Bull sa alas-4 ng hapon sa Araneta Coliseum.

Kapwa hangad ng Gin Kings at Energy Boosters ang kanilang ikalawang sunod na panalo laban sa Beermen at Tigers, ayon sa pagkakasunod.

Nanggaling ang Ginebra sa 82-75 panalo kontra Powerade noong Oktubre 9 sa batangas City, samantalang ginitla naman ng Barako Bull ang Meralco, 74-68, noong nakaraang Linggo.

Nakatikim naman ang San Miguel ng 83-97 pag­yukod sa Talk ‘N Text.

Posibleng umupo na si Ato Agustin bilang head coach ng San Miguel sa pagtatapos ng 86th season ng NCAA kung saan natalo ang kanyang San Sebastian Stags sa San Beda Red Lions ni Frankie Lim, 3-0, sa kanilang best-of-five championship series. 

Air21 77 - Buenafe 21, Gonzales 11, Matias 9, Sharma 9, Baclao 8, Al-Hussaini 5, Arellano 4, Urbiztondo 3, Arboleda 3, Rodriguez 2, Quinahan 2, Najorda 0.

Derby Ace 69 -Simon 11, Adducul 10, Villanueva 9, Yap J. 8, Maierhofer 8, Canaleta 6, Yap R. 6, Gaco 5, Salvador 3, Allado 2.

Quarterscores: 16-18, 33-36, 53-49, 77-69.   

  • Follow Us: