PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Smbeer kakasa na sa finals

MANILA, Philippines - Tuluyan nang inangkin ng mga Beermen ang unang finals ticket para sa kanilang pang 31st finals appea­rance.

Ito ay matapos talunin ng nagdedepensang San Miguel ang Derby Ace, 91-83, sa Game Six para wa­kasan ang kanilang semifinals series sa 4-2 para sa 2009-2010 PBA Fiesta Conference kagabi sa Araneta Coliseum.

“I thank God for this opportunity, for guiding us to the finals,” sabi ni coach Siot Tanquingcen, nasa kanyang ikaapat na finals appearance na tinampukan ng mga kampeonato sa Ginebra noong 2004 Fiesta Conference at 2004-2005 Philippine Cup at sa San Miguel noong 2009 Fiesta Conference. “Playing against Derby Ace is like pulling a tooth. Ang hirap nilang kalaban eh.”   

Hangad ng Beerrmen ang kanilang pang 19th PBA title.

Huling naglaro sa best-of-seven championship series ang Beermen, hangad na maidepensa ang isang conference title matapos ang Red Bull Barakos ni Yeng Guiao noong 2002 Commissioner’s Cup, no­ong 2009 PBA Fiesta Conference kung saan nila tinalo ang Ginebra Gin Kings.

“Ang advantage doon is at least we’ll sit back and analyze ‘yung magiging kalaban namin. Pero ganoon din eh, mahirap din ‘yun eh kasi dalawang teams pa rin ang paghahandaan mo,” dagdag n Tanquingcen. 

Sa inisyal na laro, tinalo naman ng Alaska ang Talk ‘N Text, 94-83, upang itabla sa 3-3 ang kanilang semis showdown at itak­da ang Game Seven sa Miyerkules sa Big Dome. Handa nang hipan ni coach Chot Reyes ang birthday cake para sa pagdiriwang ng kanyang pang 47 kaarawan.

Isang 20-6 atake ang ginawa ng Alaska, natalo sa Game Five, 81-82, no­ong Biyernes, matapos makadikit ang Talk ‘N Text sa 57-59 sa 5:34 ng third period mula sa baby hook ni Mac Cardona para sa kanilang 79-63 bentahe sa pagsilip ng fourth quarter galing sa basket ni Joe Devance.

 Ipinoste ng Aces ang pinakamalaki nilang abante sa 19 puntos, 87-68, kontra Tropang Texters sa 6:41 ng labanan buhat sa jumper ni Reynel Hugnatan.

  • Follow Us: