PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Panga ni Clottey palalambutin ni Pacman

ARLINGTON, Texas - Ang kasikatan ni Manny Pacquiao ay nanggaling sa kanyang mga tagumpay laban sa mga world champions at boxing greats.

Ngayon, sasagupain naman niya ang isang boksingerong walang suot na korona at lalong hindi kinikilalang boxing legend.

Imbes na labanan ang world five-division titlist na si Floyd Mayweather Jr., sasagupain ni Pacquiao si Joshua Clottey ng Ghana dito sa Cowboys Stadium.

“The best fighter I’ve ever seen,” wika ni promo­ter Bob Arum, nasundan ang maalamat na si Muhammad Ali, kay Pacquiao. “No one has ever punched with equal power from both hands like Manny.”

Hindi maikakailang may ‘financial interest’ si Arum sa kanyang naturang pahayag.

Ngunit ang isang kagaya ni Pacquiao ay ang sinasabing kailangan ng professional boxing.

Mula sa pagiging flyweight, binagtas ni Pacquiao ang anim pang weight division upang kumita ng halos $12 milyon sa kanyang pinakahuling laban.

Sa kaartehan ni Mayweather, si Pacquiao ang siyang mag-isang hahaklot sa 45,000 boxing fans na pupuno sa nasabing football stadium.

“Some fighters like me, we can be the greatest fighters without fast words and trash talk,” ani Pacquiao. “His (Mayweather’s) style is talking a lot of trash and it is not a good example for everybody.”

Isa nang respetadong boksingero si Pacquiao nang talunin niya si Oscar Dela Hoya kasunod sina Ricky Hatton at Miguel Cotto.

Ngayon, plano niyang idagdag si Clottey sa kanyang mga naging biktima bago asikasuhin ang kanyang Congressional bid sa Sarangani.

Maari pang maghintay si Mayweather hanggang Setyembre.

Ito ay kung mananalo si Pacquiao kay Clottey at mananaig si Mayweather kay Shane Mosley sa Mayo 1.

Ngunit ipinaramdam na ni Pacquiao na ito na ang posible niyang pinakahu­ling laban.

“This is my last fight before the election,” ani Pacquiao. “I am not saying I’m going to retire. It is hard to say right now when I’m going to retire, but this is my last fight before the election and I’m very excited about that.”

Naniniwala naman si Clot­tey na ang kanyang depensa ang magpapahirap sa opensa ni Pacquiao.

  • Follow Us: