PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dixon Import of the Year, Ybañez Finals MVP sa ABL

MANILA, Philippines - Nilagyan ng kinang ang pagkapanalo ng Philippine Patriots sa unang ASEAN Basketball League (ABL) title nang dalawa sa kani­lang manlalaro ang nanalo sa ibinigay na individual awards sa seremonyang idi­naos sa Garden Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong nagdaang Martes.

Si Jason Dixon na siyang buhay ng koponan mula nang nagsimulang kumampanya sa ligang ni­lahukan ng anim na bansa ang hinirang bilang Import of the Year habang ang maliit pero mabanganib na si Warren Ybañez ang lu­mabas na Finals Most Valuable Player.

Ang 6’10 na si Dixon ay nagtala ng 13.9 puntos at 10.1 rebounds sa kabuuan ng torneo para daigin ang mga nakalaban sa para­ngal na sina Nakiea Miller ng Satria Muda BritAma at Kyle Jeffers ng Singapore Slingers.

Gumawa nga si Dixon ng 16 na double-double sco­res at nailabas ang pi­na­kamabangis na laro sa Game Three ng best-of -ive title series laban sa Indonesian team sa gi­na­wang 28 puntos at 12 rebounds.

Si Ybañez naman ay nag­pakita ng husay sa play­offs na kung saan winalis ng Patriots ang limang laro sa semifinals at finals.

Bago ang 3-0 sweep sa Satria Muda BritAma ay kumana muna ng 2-0 sweep sa best-of-three semis series ang Patriots sa Kuala Lumpur Dragons.

Si Ybañez ay nagtala ng 5.6 puntos, 4 rebounds at 4.4 assists sa Playoffs.

Si Attaporn Lertmalaiporn naman ang hinirang bi­lang regular season MVP.

Ang lahat naman ng kasapi ng Patriots ay binigyan din ng gold plated championship ring ni Fernandes bunga ng pagdo­do­mina sa liga.

  • Follow Us: