PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pagtakbo ni Pacquiao sa Kongreso 'di makakaapekto sa kanyang laban

MANILA, Philippines - Walang nakikitang problema si Freddie Roach sa paghahanda ni Manny Pacquiao para sa kanyang inaabangang megafight kontra kay Floyd Mayweather Jr. sa Marso 13 na gagawin sa MGM Grand ayon sa mga huling balita.

Ayon sa isang ulat sa examiner.com, sinabi ni Roach na hindi makakaapekto ang pagtakbo ni Pacquiao bilang Kongresista ng Saranggani sa May 10 elections.

Siniguro din ni Alex Ariza na sapat ang panahon para makapaghanda si Pacquiao para sa March 13 fight bagamat nitong November 13 lamang siya sumabak sa madugong 12-round fight kontra kay Miguel Cotto kung saan nagtagumpay ito ngunit malaki ang tama sa kanyang tenga na ininda nito ng ilang linggo.

"We don't have to worry about putting on size this time ... we just need to focus on making him fast as hell and able to work the angles," sabi ni Ariza. “March 13 is plenty of time.”

“Manny's ear is already healed and won't be an issue, and that the team's goal for March 13 is to do nothing less than "fight the perfect fight,”: ani Roach.

Ayon kay Roach iginagalang ng Team Pacquiao ang kakayahan ni Mayweather: “But Manny is Manny.”

Balitang nais ni Pacquiao na sa Wild Card gym ni Roach sa Los Angeles na magsasanay ng pitong linggo bago tumulak sa Las Vegas sa linggo ng laban hindi tulad ng planong sa Baguio muna siya magsasanay ng isang buwan bago lumipat sa Amerika.

Gustong isama ni Roach sa mga sparring mate ni Pacquiao sina Amir Khan, reigning WBA light-welterweight champion at Tim Bradley.

  • Follow Us: