PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mas puspusan na ang paghahanda ng mga atleta para sa Asiad

MANILA, Philippines - Tapos na ang kampanya ng bansa sa 25th Southeast Asian Games at lahat ay naibilang na.

Nakaipon ng 38 golds 35 silvers at 51 bronze medals ang Pambansang delegasyon na nag-akyat sa bansa ng isang hakbang sa ikalima sa medal standing kumpara sa ikaanim na posisyon noong Thailand SEA Games bagamat mas maraming gintong naiuwi ang mga atleta.

Lalasapin muna ang Kapaskuhan at kanilang nilasap na tagumpay sa pagpasok ng taon, tiyak na magiging abala na naman ang mga atleta sa pag-eensayo at paghahasa ng kanilang talento bilang pag­hahanda sa isa na namang ‘giyera’-- isang mas mabigat na ‘giyera’ ang Asian Games na idaraos sa Guangzhou China sa November 2010.

Sinabi kahapon ni Philippine Sports Commission chairman Harry Angping sa pagsalubong niya sa huling grupo ng mga atetang dumating noong Sabado ng gabi, na ang lahat ng 38 gold medalists ay mas higit na maghanda para sa Asian Games.

At ibig din sabihin nito, mas mahabang oras sa training ve­nue at gayundin sa aktuwal na kompetisyon.

“Those who delivered can look forward to more international exposures. It could be a quarterly basis. And for the others, they can train overseas for a longer period of time,” wika ng PSC chief.

At dahil sa magandang performance na ipinamalas ng mga atleta lalo na ang mga nagbura ng records, sinabi ni Angping na mas maraming tulong na matatanggap ang mga atleta na may tunay na tsansang makapag-uwi ng medalya sa Asian Games.

“That’s why we will review their performances because in the SEA Games, your effort to win the gold may not even be close to the bronze in the Asian Games. We will make sure,” wika ni Angping.

Sinabi rin ni Angping na ang boxing, na sumuntok ng 5 ginto sa Laos bagamat 10 lamang ang naipadala ay patuloy na tatanggap ng suportang tinatanggap na nila.

“We will sit down with their officials. Do they want foreign coaches? Do they still want Cubans? Because I think the Cubans are a little off now. Do they want to try Russian or Bulgarian coaches,” ani pa ni Angping.

Ayon pa kay Angping, sa pagpasok ng Enero, isang bagong grupo ng elite athletes ang bubuuin at dito makikilala na ang mga atletang tutungo sa Guangzhou.

“And by March, we’re all out training them. Then tuloy-tuloy na yan,” dagdag pa ni Angping.

  • Follow Us: