PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

5th straight win ipinoste ng Celtics

CHARLOTTE, North Carolina--Pumitas si Ray Allen ng 27 puntos at nagdagdag naman si Kendrick Perkins ng 21 at 12 rebounds upang ihatid ang Boston Celtics sa 108-90 tagumpay laban sa Bobcats at iposte ang kanilang ikalimang sunod na panalo sa NBA nitong Martes.

Sa pangunguna ni Allen, bahagyang nagkaroon ng problema ang Celtics sa shooting matapos na umasinta lamang ng 30 percent sa 3-point range.

Bagamat pumukol lamang si Allen ng siyam na puntos, umasinta naman siya ng 5 mula sa 6 na triples, kabilang ang isa may 1 segundo na lamang ang nalalabi ang nagbigay sa Celtics ng 62-39 kalamangan sa halftime.

Sa New York, umapos si Danilo Gallinari ng 27 puntos at 10 rebounds upang trangkuhan ang New York Knicks sa 126-99 tagumpay laban sa Phoenix Suns nitong Martes at wakasan ang kanilang five-game losing streak at ibigay sa kanilang coach ang matamis na panalo

Sa Toronto, nagposte si Antawn Jamison ng 30 puntos at 12 rebounds at nagtala naman si Gilbert Arenas ng 22 puntos at siyam na assists para sa Washington na tinalo ang Toronto, 106-102.

Sa Denver, isinalpak ni Carmelo Anthony ang 25 puntos at tumapyas naman si Chauncey Billups ng 22 puntos at ginamit ng Denver ang kanilang malaking scoring sa first half sa season upang ipatikim sa kulang sa taong Golden State ang kanilang kabiguan.

  • Follow Us: