PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Milo best clinic

MANILA, Philippines - Hanggang bukas na lang maa­ring magparehistro ang mga batang basketbolista sa Saturday-class only ng Best Center sa Xavier School sa Greenhills, San Juan at sa Ateneo College covered courts sa Quezon City.

Magbubukas ang Xavier ng bagong kurso sa Level 4 mula alauna hanggang alas-4 ng hapon dagdag sa Introduction to basketball at levels 1, 2, at 3.

Ang mga klase sa Ateneo ay Introduction to basketball at level 1, 2, 3 at 4.

Samantala. magsisimula ang Saturday only clinics sa Malate Catholic School para sa level 1 at 2 sa alas-8:30 hanggang alas-10:30 ng umaga.

Ang Best Center na sinimulan ni dating UP cage star Nic Jorge ang Pioneer Basketball School ng bansa at tumanggap na ng maraming awards sa Philippine Olympic Committee at Philippine Sportswriters Association para sa scientific approach sa basketball development sa bansa.

Ang mga nanggaling sa Best Center ay sina James Yap, TY Tang, Chis Tiu, Paolo Mendoza at JV Casio.

  • Follow Us: