PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Best Center Passerelle NCR semis

MANILA, Philippines - Mas iinit ang aksiyon sa 2009 Milo-sponsored Best Center Passerelle NCR tournament semifinals sa September 6 sa Xavier High School Gym sa San Juan.

Ang high school hard court competition ay magsisimula sa alas-2:00 ng hapon bukas kung saan sasabak ang NCR Passerelle champion La Salle Junior Green Archers sa Xavier Stallions para sa regional finals.

Haharapin naman ng San Beda Cubs ang Antipolo Lady of Lourdes para sa natitirang slot sa regional finals sa alas-3:30 ng hapon.

Nitong linggo, naitakda ng magkaribal na Ateneo de Manila at ng La Salle Greenhills ang sagupaan para sa regional title ng SBP matapos magtala ng magkahiwalay na panalo.

Nilampaso ng Ateneo ang Notre Dame of Greater Manila, 72-33 habang dinurog ng La Salle Greenhills ang Xavier School, 60-49.

  • Follow Us: